6137 responses
Di natin masasabi kung anong magiging kapalaran ng anak natin, basta kung san sya komportable at masaya, suportahan at gabayan nalang natin sila
Kung anong gusto nya. Kasi ako di rin namn ako pinakialaman ng parents ko. Ang importante lang makapagtapos ng pagaaral kahit anong course pa yan.
Hindi naman mahalaga kung anong gusto ko, ang mahalaga kung anong gusto ng Baby ko at kung saan sya masaya,yung ang importante para saakin.
Businesswoman. Kasi usually madiskarte and wise ang mga businessman/woman ☺️ But I also want her to be an athlete and a celeb 😁
Ang hirap e. Pero sana yung propesyon na dynamic at kayang sumunod sa agos ng panahon. Mahirap kasi laging based sa nakasanayan na.
chef like daddy nya pro xmpre desisyon prin nya malayo pa nmn tatahakin nya eh mrmi pang mangyayare.support lng kme ni daddy nya
Kung ano gusto niya. Mahirap ipilit ang gusto ko tapos di naman niya gusto. Di rin siya mageenjoy kasi wala passion niya don.
Gustong kong career para sa anak ko is kung anong gusto niya. Kung saan siya masaya, support lang kami ni daddy all the way.
Kung anong gusto nya at kung san sya magiging masaya push lang. Mas magiging successful sya kung gusto nya ung ginagawa nya
di ko sya ifoforce sa kung anung gusto ko para sa kanya gusto ko lng makinig sya sa lahat ng payo ko na makakabuti sa knya