BABAERONG JOWA

FTM DD: July 2020 28 weeks and 2 days preggy Gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob dahil wala din ako mapag kwentuhan, hindi ko rin naman pwede sabihin sa mga magulang ko. Ngayon kasi, nahuli ko nanaman jowa ko na may kalandiang iba. At ngayon, tinatanong nya pa kung okay lang ba sila sa sitwasyon nila at kung mahal pa siya nung babae. Hindi ko alam kung alam ng babae na yun na magkaka anak na jowa ko. At kinausap ko siya tungkol don, and as always at the end, ako ang may kasalanan. Hindi daw ako dapat nangingialam ng phone ng iba dahil hindi namam siya ganun saken. Ilang beses ko na rin siya nahuli na nangbabae, akala ko magtitino na, ngayong buntis na ako. Wala naman siya hirap saken, saken lahat ng gastos kay baby ko simula check up, mga gamit at pang pa anak. Dahil yung sweldo nya, kulang pa sa kanya sa dami ng binabayaran niya. Mga gamit na pangarap nya na daw dati pa kaya hinayaan ko siya na kumuha ng hulugan. Lahat na ng luho pinag bigyan ko siya, never ako nag loko sa relasyon namin. Sa kanya at sa kanya lang lahat lahat. Siya din nakauna sakin kaya hindi na rin ako humiwalay at naghanap pa ng iba. Napakarami kong sakripisyo, kahit mga magulang ko, ilang beses na ako pinapalayas sa bahay dahil sa kanya. Hindi ko na alam gagawin ko, natatakot pa ako magka PPD after, gusto ko na humiwalay pero hindi pa kaya ng puso ko. Hindi ako galing sa broken family, saksi ako gaano ka faithful sa isa't isa mga magulang ko. Kawawa naman ang baby ko kung magkakaron siya ng broken family. Titiisin ko na lang ba lahat at magbubulag bulagan para lang may matawag na daddy ang anak ko? Hindi ko na alam gagawin ko

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang hirap moms ng kalagayan mo pareho tayo ng situation ung ayaw natin maging broken Family oh hiwalay sa asawa napakamalas natin na nakapangasawa tayo ng mnaloloko 😭since pareho tayo ng situation moms ito lang mapapayo ko sayo kung sa tingen mo may pag-asa pa ang asawa mo magbago stay at ework out niyo pareho ang relation niyo pero kailangan kausapin no siya maging open ka sa lahat, tanungin mo siya kung yan ba yang ginagawa ba niya ang magpapasaya sa kanya at kung ano plano niya sayo inyo ng baby mo since magiging ama na siya sabihen mo sa kanya na nasasaktan ka sa ginagawa niya at kung hinde siya magpakatino wala kanang magagawa kundi iwan mo siya kahit gustuhin man natin na hinde sana maranasan ang ganitong situation wala tayong magagawa kundi maging matatag at tumayo sa sarili nating mga paa. Goodluck po and Godbless 😇

Magbasa pa