BABAERONG JOWA

FTM DD: July 2020 28 weeks and 2 days preggy Gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob dahil wala din ako mapag kwentuhan, hindi ko rin naman pwede sabihin sa mga magulang ko. Ngayon kasi, nahuli ko nanaman jowa ko na may kalandiang iba. At ngayon, tinatanong nya pa kung okay lang ba sila sa sitwasyon nila at kung mahal pa siya nung babae. Hindi ko alam kung alam ng babae na yun na magkaka anak na jowa ko. At kinausap ko siya tungkol don, and as always at the end, ako ang may kasalanan. Hindi daw ako dapat nangingialam ng phone ng iba dahil hindi namam siya ganun saken. Ilang beses ko na rin siya nahuli na nangbabae, akala ko magtitino na, ngayong buntis na ako. Wala naman siya hirap saken, saken lahat ng gastos kay baby ko simula check up, mga gamit at pang pa anak. Dahil yung sweldo nya, kulang pa sa kanya sa dami ng binabayaran niya. Mga gamit na pangarap nya na daw dati pa kaya hinayaan ko siya na kumuha ng hulugan. Lahat na ng luho pinag bigyan ko siya, never ako nag loko sa relasyon namin. Sa kanya at sa kanya lang lahat lahat. Siya din nakauna sakin kaya hindi na rin ako humiwalay at naghanap pa ng iba. Napakarami kong sakripisyo, kahit mga magulang ko, ilang beses na ako pinapalayas sa bahay dahil sa kanya. Hindi ko na alam gagawin ko, natatakot pa ako magka PPD after, gusto ko na humiwalay pero hindi pa kaya ng puso ko. Hindi ako galing sa broken family, saksi ako gaano ka faithful sa isa't isa mga magulang ko. Kawawa naman ang baby ko kung magkakaron siya ng broken family. Titiisin ko na lang ba lahat at magbubulag bulagan para lang may matawag na daddy ang anak ko? Hindi ko na alam gagawin ko

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lht nmn sis gusto ang pangmatagaln na relationship. Ela nmn may gusto ng broken family pero kya ksi nagkkgnon dhl sa mga nangyayari sa isang relationship. Like sau, ibabalik ko sau question mo. Since ayw mo ng broken family ksi ang role model mo is un family mo kaya mba forever ka nya niloloko? Nasasaktan? Kys mba magtiis ng mtgal for the sake lng na ndi kau magkahiwalay? Sa tingin mba maggng masaya ka at anak nyo pg ganyan lgi c partner mo? If I were to choose mas gugustuhn knlng broken family kmi kaysa lgi aq nasassktan dhl wla pakielam un partner ko sa mararamdmn ko pti na ng anak nmn. Ksi naniniwala aq mdami pang lalaki sa mundo na pwede kng pasiyahn at mmhalin ka tlg..

Magbasa pa