Hello ! Base sa kwento mo nabibigay mo luho nya so kaya mo buhayin ang anak mo mag isa di mo kailangan ng ganyang lalake huwag ka maawa sa baby ko na walang matawag na daddy kesa may daddy nga sya wala naman pakealam sa kanya ang maawa ka po sa sarili mo kasi imbis yung baby mo lang aalagaan at babantayan mo pati sya o yung tatay babantayan mo din . Believe in yourself hindi mo kailangan ng ganyang lakake kasi kaya mo buhayin mag isa anak mo
Wag mo isipin yung pagiging broken family mo. Ang isipin mo sis yung taong bibigyan ng importansya ang anak mo. Gaya niyan, ikaw lahat gumastos. Asan na malasakit ng jowa mo sa anak niyo? Wala diba? Nakuha pa nga magloko e. So instead na pakisamahan mo pa yang jowa mo, iwan mo na po. Wala na nga naitulong sayo, gagawa pa ng kahihiyan sa anak mo. Explain mo na lang sa anak mo soon kung bakit di siya lumaki kasama tatay niya.
Hindi k sasaya sa ganyang lalaki.. humiwalay kna halatang halata nmn sa knya n wla p siya plan mag pamilya. Kawawa ka Lang sa knya.. wag kna mag sayang Ng oras Kasi base sa kwento mo wla kayong pupuntahan na maganda. Sa susunod na lng na mag kaka bf ka kilalanin mo Ng mabuti sis pakikisamahan mo para d n maulit. Lesson learned siya pero Hindi naman dpat maging sentensya sayo. 🙂
Sa tingin mo ba hnd pa kayo broken family? Like come on! Papayag ka bang lumaki ang anak mo na makita at marinig na ang tatay na ay walang kwenta? Sperm lang naiambag nya! de bale ng single mom kaysa maging martir sa lalaking walang kwenta. Walang matinong lalaki ang itratrato ka ng ganyan. Mababaliw ka sa pinag gagawa nyang lalaki na yan sayo.
Mommy, wag mo na pagtyagaan yan lalaking yan. Kaya mo maitaguyod magisa yang baby mo. Ang hirap ng ganyan mommy, minsan kelangan na natin sundin ang sabi ng utak bago ang puso lalo pagdating sa anak. Mahirap sa una, sobra. Pero eventually, magiging okay kayo ni baby na wala yang lalaking yan. Will be praying for you. Kaya mo yan momsh!
Wag mo hayaan sarili mo wasakin ng isang taong wala naman pakinabang. Hindi ka nirerespeto ng dyowa mo. In the long run ikaw din magiging kawawa pag pinili mong mag stay sa maling tao and to realize later on na you have lost yourself. May baby ka sa kanya ka mag focus. The world will not judge you for having a broken family.
Nako sis sabi mubga 1st time mo, ganyan din ako nung 1st bf ko pero natutunan ko na hindi porket 1st bf eh sya na. Meron pang mas better dyan jusko ikaw lahat gumagastos mukang magiging pabigat lng yan sa buhay mo at sa anak mo. Makakahanap kapa ng iba focus ka nalang sa baby mo tutal ikaw din namn gumagastos lahat.
Kaya mo naman buhayin anak mo. Gaya ng sabi mo wala naman siyang ambag sa anak mo bukod sa tamod niya. Peste sa buhay ang ganyang lalake hahatakin ka lang nyan pababa at yung stress na ibibigay sayo arawaraw jusko! Leave him now or suffer forever.
Talk to him in a solemn way..ung seryoso pra sa future ninyo..mata sa mata m xa kausapin pra mkita nya talaga..walang halong sigawan..pra don m..sabihin m rn ang plan m na hnd forever ganyn kau..kc kmi ng mister q kahit simpleng plan yn we sit down and talk.
Wala naman palang ka kwenta kwenta yang lalaking yan. Iwan mo na yan, wala kang mapapala jan. ilang beses na rin palang nang babae, sa tingin mo magbabago pa ba yan? I dont think so. Mag isip isip ka na habang isa pa lang ang magiging anak niyo.
SMC