1 MONTH & 5 DAYS BABY BOY

FTM Breastfeeding After ko po kasi pa dede-in si lo kinukuha siya ni daddy niya para ipa-burp, kaso bigla niya lang sinusuka yung gatas na iniinom niya. After ko siya pa dede-in minsan ako nagpapaburp sakanya, kapag i-aangat ko na siya into burp position bigla niya nalang sinusuka yung gatas, bakit po kaya? And ano po kailangan kong gawin? :( my 2nd question po, pag sinisinok ano po ginagawa niyo? Kame po kasi hinihiga lang namin siya then hinahayaan nalang mawala yung sinok niya okay lang po ba yun? #1stimemom #advicepls #theasianparentph

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Upright position mo lng during and after feed for 30 mins. para kahit di magburp unti unti bumaba sa tyan, sabi ng pedia nmin ganun daw tlga pag newborn di pa well developed ang passage sa esophagus kaya yung mga gatas mabagal or unti unti pa bumaba ang mga dinede ng baby. Ginagawa ko after feed nakapatong lng sya sa dibdib ko or nilalagay namin sya stroller na nakaincline.. effective nman nabawasa ang pag lungad ni baby.

Magbasa pa
4y ago

Thankyou po. Grabe po kasi yung pagsuka niya kahapon sobrang dame, siguro po mahigit isang kutsara yung dame :(

VIP Member

normal sa baby mumsh yung sinukin. sanay po sila kasi tyan pa lang sinisinok na sila 😊