Pre Natal Milk

FTM 22 weeks pregnant. Super curious lang mga momsh. My ob prescribed me to drink anmum materna twice a day. At dahil napansin ko na marami dito dine-discourage ang pag take ng anmum or kahit ano pre natal milk, napaisip ako kung safe ba talaga uminom ng pre natal milk or susundin ko ang ob ko. Napansin ko na madami dito against sa pre natal milk because of high sugar content. Pero just an observation, pag umiinom ako ng anmum, matabang sya at di sya matamis at all. (kahit yung choco flavored) mas matamis pa nga actually ang fresh milk. Kung ichecheck din natin ang sugar level nito 16g per 100g lang naman sugar level nito. Plus, may mga kasama pang essential vitamins and minerals. Kaya di ko po maintindihan bakit sinasabi ng iba na hindi ito healthy. Minsan kasi hindi ko din makuha ang enough amount of minerals from foods or fruits that i eat. So i guess there's no harm in taking pre natal milk? What do you think mommies? Let me know your thoughts.

65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Advised naman un ni OB so for sure safe un para sayo. 😊 ako kasi 1st trimester lang pinainom then 2nd tri, stop na. Kasi sinabihan naman niya ako na keep eating healthy. Nakukuha din naman kasi sa kinakain natin ang mga nutrients na need natin na nasa milk.

Ako since malaman ko na buntis ako, nag inom na agad ako ng anmum.. Panghapon ko is Yong anmum concentrate na po at pang Umaga naman Yong powdered. Kong ano po prescribed ni OB, dipo yon nakakasama. Pero pag may doubt kayo pwede naman kayo mag option ng ob.

Hindi po ako umiinom ng milk. My Lactose Intolerance po kasi ako. 2 days po ako ng try uminom ng milk 2 days din po ako ngka LBM. Pero my nireseta po c ob ko ngayon na vitamins. Bonegard po iniinom ko after breakfast. Im on my 15th weeks and FTM po😊😊😊

VIP Member

Ako nga e, Umiinom ako ng pre natal milk kahit di sinabe ng ob ko. Anmum din ang iniinom ko. Pero nung di pa ako umiinom ng anmum nun, bear brand muna iniinom ko. πŸ˜‚ Kahit sinusuka ko. Ngayon na Anmum na, di na ako sumusuka nun simula uminom ako niyan.

Try enfamama choco. Yun ang nireseta sakin and nagustuhan ko siya. Hindi nakakagain ng weight. Sabi ng ob ko,mataas daw sugar content ng anmum compare sa enfamama. Mas magtiwala ka sa OB mo kasi siya mas nakakaalam ano ang mas best para sayo :)

Ako mamsh mula pinayagan na ko magmilk ng OB ko anmum ang gatas ko pinastop na nya nitong ika 7mos ko kasi baka lumaki na ung bata . Umiinom ako nyan kasi alam ko madaming benefits ang anmum compare sa mga ibang milk na di pang buntis .

safe po ang pre natal milk masyado lang po pricey talaga and ung iba d gusto lasa and nag take naman na ng supplements. tsaka wala naman ako nabasa dito na dinidiscourage pag inom ng pre natal milk πŸ˜‚

Super Mum

Depende naman po siguro sa inyo yan mommy.. Ako I took anmum kasi yun lang kaya kong matolerate at di ko sinusuka😊 may months na twice a day ako umiinom.. Pero pagdating ng 6 months.. Once a day na lang😊

VIP Member

Safe naman po ang pre natal milk. Kaya un binigay kasi para na din sa ibang nutrients na need ni baby. Ako nagtake ako for 4mos, nahinto kasi di ako makalabas πŸ˜‚ Pero bibili ulit ako pag nakalabas na ulit 😬

yup po sis tama k marami sia included n vitamins & minerals n wl s ordinary milk...ako khit ndi ko gaano gusto ang lasa n ANMUM, iniinom ko sia kc ang laki ng maitutulong s development ni baby 😊