Pre Natal Milk

FTM 22 weeks pregnant. Super curious lang mga momsh. My ob prescribed me to drink anmum materna twice a day. At dahil napansin ko na marami dito dine-discourage ang pag take ng anmum or kahit ano pre natal milk, napaisip ako kung safe ba talaga uminom ng pre natal milk or susundin ko ang ob ko. Napansin ko na madami dito against sa pre natal milk because of high sugar content. Pero just an observation, pag umiinom ako ng anmum, matabang sya at di sya matamis at all. (kahit yung choco flavored) mas matamis pa nga actually ang fresh milk. Kung ichecheck din natin ang sugar level nito 16g per 100g lang naman sugar level nito. Plus, may mga kasama pang essential vitamins and minerals. Kaya di ko po maintindihan bakit sinasabi ng iba na hindi ito healthy. Minsan kasi hindi ko din makuha ang enough amount of minerals from foods or fruits that i eat. So i guess there's no harm in taking pre natal milk? What do you think mommies? Let me know your thoughts.

65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas maganda po mag prenatal milk like anmum dagdag nutrients sainyo ni baby. On my experience naman, masarap yung choco flavor at hindi din sya nakakataba. 7months na kmi ni baby and normal naman ang weight nya 1.1kg. Hindi rin ako pinahinto ni OB sa pag drink ng milk. Kumpleto din vitamins ko and nagtetake ako twice a day ng calcium as prescribed. Yung dami ng kain ko naman din is normal kain, I'm not eating for two pero madalas ako gutumin hehe. Case to case basis din siguro ksi may mommy na super dami kumain at mahina ang panunaw kya mabilis maggain ng weight. Makinig na lang po kay OB since sya nman nakakaalam at nagmomonitor satin ni baby๐Ÿ™‚

Magbasa pa

Hi. Until 6mos of pregnancy ko nagtake ako anmum choco. Di sya highly recommend ng ob ko since pwede mo naman daw makuha sa food ang nutrients pero di kasi ako magulay kaya sabi nya okay take it twice a day. Pero since sobrang nasasarapan ako nakaka 3-4x a day ako which caused me to gain ng 10kgs in just a month. About the sugar content, we are stricly monitoring my sugar dahil sa lifestyle ko pero walang nag increase. So i dont think na hindi sya okay to drink. If choice mo naman and also prescribed ng ob mo then have it. Tutal marami talaga syang nutrients na lets admit na di mo naman makukumpleto through table foods lang

Magbasa pa
5y ago

True momsh thank uuu

VIP Member

Anmum po ang prenatal milk ko sis. Promama dti, pro skim milk po component nya kya pag naamoy ko plng nasusuka nko. Kng prescribed nman po ni obgyne nyo sis, much better kng sundin po ntn cla. They know what is best for us. Tama po kayo mdmng nutrients at pnaghalong mga vitamins and minerals ang ingredients ng mga prenatal milks which is safe for pregnancy. Hindi po ito ilalabas ng mga manufacturer kng makakasama sa mga buntis at sa mga babies. Sa mga nagssbi po na nakakataba ng babies po ito I don't think kung clinically proven po ito basta po sa opinion ko po mas okay na uminom ng prenatal milk. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Ako sinabihan ni dra na kung gusto ko uminom ng anmum or promama na sa akin daw yun di nya kami inobliga ni baby di kagaya ng ibang vitamins namin(at yun nga pinili ko uminom pa din ng anmum๐Ÿ˜‰) ... Pero ang gagawin ko pag 6 months na si baby sa tummy ko o kapag ok ang ultrasound namin this 24june at sakto si baby sa dapat nyang timbang o laki stop na ko sa anmum๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜.... Kabilin bilinan lang ni dra na kapag uminom kami ni baby ng anmum isang baso lang kada araw at wag ko isasabay sa vitamins๐Ÿ˜‰ like umaga mosvit elite, noon anmum, night caltrate๐Ÿ˜‰๐Ÿ’•๐Ÿ’•๐Ÿ’•

Magbasa pa

Case to case basis po. Depende po especially sayo. Like for me was advised before to drink anmun 2x a day. Kaya lng when I took the ogtt test. Masyado mataas result. So we(including my obgyn) decided to cut my milk intake ang shift to vitamins supplement. We also cut my food intake that has high sugar content po. ๐Ÿ˜Š very risky kasi pag nagka gestational diabetes. Not only for the babies but to mommies as well po. ๐Ÿ˜Š the best recommendation is have a good relationship with your obgyn po. Kasi partner kayo sa pag maintain ng health ni baby. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Recommended ng OB ko ang fresh milk instead of maternal milk. Pero pumili ka yung low fat. Until more than 3 mos. ako, nag ffresh milk ako 2 glasses per day. Kaso biglang nagsawa, nagpareseta na muna ako ng calcium. Tapos after 2 weeks, balik ulit ako sa milk. And this time anmum naman. Nasasayo naman kasi yan. For sure di ka naman papahamak ng OB mo kasi OB nga siya diba so alam niya anong okay sa hindi. Try mo siguro magsalit salitan ng iinumin tulad ng ginagawa ko, and wag purely anmum, kasi based sa ibang mommies nakakalaki daw masyado ng baby yun.

Magbasa pa
Super Mum

Well mommy, meron kasing mga buntis na di mahilig or di ma take ung lasa ng mga maternal milk... And isa na po ako dun sa 2nd baby ko po di ko tlga matake ung mga anmum2 kaya ngswitch ako sa fresh milk and dun ako nahiyang.. Safe rin xa kasi less sugar.. pag 2x a day po pg di mo na meet ung mga kinakain mo or di ka mxadong ngvivits. kaya dpat ka uminom nyan pero kung kumpleto ka sa vits and kumakain ka ng mga nutritious food i think pwede nxa once a day or dpnde po sayo.

Magbasa pa
4y ago

Parehas tayo mommy! I opted for fresh milk since sobrang natatamisan ako sa maternal milk. And sobrang okay ng sugar ko. Hehe.

Try research po lahat ng mga ing.ng kinakain nyo..like sa iinumin na gatas..ang anmum po kase kaya inaadvice ng karamihan sa mga O.B dahil maraming nutrients na pang preggy at for baby habang nasa tyan naten sya..hindi naman po siguro iaadvice ni O.B saten kung makakasama...Ang ilan po kase sateng mga preggy namamahalan sa anmum..kaya siniset nalang nila sa mind na much better na inumin ang mas mura...Pero kung saan po kayo mas okay dun po kayo..๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Mas naniniwala ako na mas maraming nutrients ang makukuha mo sa mga food na rich in calcium. Its up to u if you want to drink maternal milk. As a medical representative some doctors prescribe such product due to medrep and doctor relation (just saying) they need to support each others businesses๐Ÿ˜Š. You can option to mix drinking maternal milk and nutritious foods. ๐Ÿ˜ŠAs long as you know to urself what is right for your baby ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Ako po mommy umiinom ako nang anmum nung 1-4 months palang yung baby ko pag dating ko nag 5months and up sabi nang OB ko tigilan ko na po yung pag iinum nang anmum kasi nakakalaki sha nang baby hehehehe. Dependi lang yun mommy kapag maliit ka na babae mostly hindi ka pinag take nang pre natal milk kasi baka lumaki yung baby masyado at mahirapan ka maka raos, yung calcium ko na vit 2x po umiinum yun ginawa nang OB ko po hehehehe.

Magbasa pa