Okay lang po ba magpalit ng OB @36weeks?

Ftm po. Parang mejo nag aalinlangan lang po kasi ako sa current OB ko parang mejo hindi po ako kampante. Mejo unresponsive saka mejo malayo yung hospital saamin. Kung aabutin ako manganak ng rush hour baka abutin ng 1hr biyahe pa ospital. Balak ko sana lumipat ng OB sa hospital malapit dito saamin mga 10mins away lang. Inaalala ko lang if ok pa po ba lumipat ng OB since kabuwanan na din po. Or if ever, ang gagawin nalang namin is magcoconsult kami sa OB dito sa hospital malapit samin para if ever man na dito abutab ng panganganak, may OB na kami na naconsult at alam ang medical history. At may nakaexperience na din po ba ng ganito sa inyo? Salamat po sa sasagot.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, kakapanganak ko lang po jung dec 3 and kabuwanan ko na rin nung nagpalit ako ng ob due to money reasons, yung pinagpapacheck up- an ko kasi ob ko na yun sa first born ko, way back 2020 50k naging bill namin sakanya, e ngayon around 70-80k na normal delivery yun, so naghanap ako ng mas mura na ob and ang binayaran lang namin is 25k lang nitong nanganak ako and masasabi ko na mas hands on tong ob na nalipatan ko compare sa dati kong ob. Usually hinihingi lang ng lilipatan mong ob is yung pang 36th week na ultrasound mo, pati mga lab tests, mas ok din kung makakapag pacheck up kayo sa lilipatan nyong ob.

Magbasa pa

Hingi ka lang referral sa OB mo. Ung sakin sa 3rd preganancy ko nun, nanghingi lang ako referral kasi lilipat ako ng public hospital kasi di carry ng budget ko kung sa private ako manganak.. Gumawa lang sya letter tas nilagay nya na lahat information na need pati ung results ng lab tests ko nilagay nya din. Mabait naman ung OB at nagpaalam naman ako ng maayos.

Magbasa pa

pwede po. ask your OB at pa refer ikaw or hanap ka po ng OB sa hospital mismo kung saan mo gusto manganak much better po sana mas early kayu nag decide mag change ng ob sa malapit na hospital sa inyu po. 4 months preggy ako nag palit ng OB sa may malapit na hospital sa amin (10mins) kasi po incase of emergency kahit mag tricycle ako kaya ako ihatid.

Magbasa pa

Pwede po, ako lumipat ng Ob 34 weeks ako. Ngayon 37 na ko. Same hospital dito malapit sa amin. South Imus. Ang diko nagustuhan sa ob is laging super late kaya lumipat ako. Hehehe

TapFluencer

Yes po at 38weeks nagpalit ako ng ob na mas malapit samin. Dalhin mo lang sa new ob mo ang mga ultrasound and your mothers booklet

Depende sa hospital yan, pag public usually kailangan may record na muna dun para tanggapin ka. Ask mo din muna yung hospital

need niyo po my record sa OB ng hospital para po pag nag labor kayu icater po kayu nila.