just want to share
FTM po ako ng 3 weeks old baby. So far dami ko na natututunan sa pag aalaga kay baby. Thankful din ako kasi hands on si hubby at tinutulungan kami ng MIL ko. Kaso minsan annoying na π. 1. Kapag umiiyak si baby, sugod agad para agawin habang buhat namin at sya na maghehele. 2. Kapag may kabag, sasabihin dahil daw hnd ko na binigkisan si baby eh hnd naman nakakatulong ang bigkis sa kabag 3. Kapag buhat namin, sasabihin hnd comfortable si baby, mali buhat namin In short po, lahat ng galaw namin palagi syang may comments. Lahat ng gawin namin mali. Kahit si hubby naooffend at naiinis na sa mother nya. May time pa na bubuhatin ko si baby, aagwain sakin. Alam ko po na wala pa kaming experience sa pag aalaga ng anak. Kaya naman panay research at nood kami ng tutorials. Lahat din ng payo nya sinusunod ko lalo kung may basehan. Thankful ako na helpful sya. Pero nakakainis na po kung minsan.