No folic taking
FTM Patapos napo yong 1st TRIM ko pero dipa po ako nakakainum ng kahit anong supplement pang buntis. Bali 13weeks and 1 day na ang Tyan ko. Nagpa check up po ako sa center lang po nung 2months na Tyan ko. Wala naman sinabi ang doctor ng center or nirecomend na iinumin ko 😔 Pinaponta lang ako Para magpalaboratory and sa October 23 ako pinapabalik dala yong laboratory ko. Tapos pag 4months na daw ako Tyan ko tuturukan ako ng anti tetanus Ata yon. Okay Lang Kaya na wala akong na take na magtatapos na ang first trimester ko. Gusto ko pomunta ob kaso nagkataon naman kasi na walang wala kami ng bf ko 😪 Dahil yong perang inipon namin lahat pinahiram ko sa mga kapatid at magulang ko. Ngaun ako nag sa suffer na buntis ako. BTW dipa Alam ng pamilya ko na buntis ako humahanap pa kami ng tyempo ng bf ko. Pero sa side ng lalake Alam na ng pamilya. At balak na sana nilang pomunta nung nakaraan kaso busy naman ako kasi bigla akong napasok sa trabaho. Sobrang stress nako kahit sa pag tulog hirap nako kahit Gano ko pilitin 😪 nagkakaroon ako anxiety
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
2 months naman tiyan ko Saka pa Ako nakainom Ng vitamins pero 2 weeks lang ata yon Kasi mahal din Po Kasi more on gulay lang Po talaga Ako SA center Hindi talaga Sila nagbibigay Kasi masilan pa Hindi pa Kaya Ang lasa pagka 5 months na Sila magbibigay Ng vitamins,so far 4 months na Ako now folic acid lang Po Ang iniinom ko okay lang nmn daw na yon.
Magbasa paAko 7weeks pa lang tyan ko binigyan na agad ako ng folic acid, multivitamins+iron then calcium tapos itong buwan lang ascorbic. Para makaiwas din kasi sa birth defect tulad ng cleft palate and sa bones ni baby iwas defect. Kahit masakit sa bulsa minsan kailangan talaga bilhin kasi para kay baby naman sya. Ngayon 5months na tyan
Magbasa paHi mi.. On first tri. po kc need mo ng ferrous sulfate para maka help kay baby habang nabubuo siya. Sa center din po aq nagpapa check up pero nagbibigay po cla ng free. On your 2nd tri po ang ibibigay nila folic acid and vitamins. So better po ask niyo c center, bakit wala ka pa pong gamot na iniinom.
Magbasa paHello mi, importante po ang folic acid lalo po pag first trimester, kasi recommended po sakin ng ob ko non bago mag buntis atleast 3 months po nagtatake kana ng folic, para maiwasan din po ang neural tube defects. Pwede ka naman po bumili sa mercury kahit walang reseta po.
sa pagkakaalam ko mi napaka importante ng vitamins kasi nakakatulong sa inyong dalawa ni baby..magtanong ka ulit sa center regarding sa vitamins at wag mo na pong ipagpaliban ang pagpunta sa OB para matulungan ka sa pregnancy journey mo ☺☺
Take quatrofol thats a water soluble folic-dederetso dw ang nutrients sa baby mo
di din ako nakapag take mi kasi di kaya huhu sinusuka ko lng
sa pag balik ko sa center bibigyan daw nila ako
Mommy, kapit lang. Malalampasan mo din yan.