6 Replies
If sa lapag lang po kayo natutulog maganda po yung naka playpen kayo. convenient para sayo and kay baby lalo na kapag nasa crawling stage na kasi di ka matatakot na baka mahulog siya. pero may nakita ako sa tiktok mi, nasa toddler stage na kasi anak niya tapos naka playpen sila tapos umakyat ang anak niya sa playpen at nabagok ulo sa sahig, so i think di na safe pag nasa toddler stage na si baby. pero situational lang naman po yon. samin naman, nakabed frame kasi kami and walang malipatan ng bed gusto ko sana sa lapag lang kami at magplaypen din kaso negative eh. pero ito, napakaligalig ng baby ko. natutunan niya by himself lang magdapa at 4 months old, crawl at 6 months old, and now tumatayo at humahakbang na at 8 months old without having playpen. depende pa rin sa baby mo yan mi. yung baby ko rin kasi nakatry siya sa loob ng playpen dun sa pinsan niya at natatakot siya, lagi pa rin nakastick sakin kahit ang lawak2 ng playpen. may baby kasi mi na feeling nila nakakulong sila.
Para sa amin, a playpen is an essential. I bought one nung around 9 months old yung firstborn ko and my only regret was that I didn't bought one sooner. Nagamit ng fistborn ko until 3yo sya at ipinamana na kay bunso. Wala kaming crib or duyan. For newborn, gamit namin yung playpen as diaper changing area, naglagay kami ng cushioned mat. Big enough rin ang playpen na pwede kami humiga mag-ina, and I could breastfed while sidelying, kaya pwede mapatulog ng diretso si baby without having to wake the baby up na usually nangyayari kapag ilalapag na si baby. As baby grows, it's a safe space for them to learn how to crawl, stand-up and eventually walk. Pwede mo rin sya maiwan para maglaro on their own, or play with them inside... makakapahinga ka sa pagbubuhat, and kahit accidentally makatulog ka sa pagod, you wouldn't have to worry na mahulog sila or anything. As a toddler, they could still use it to play in, containing their toys and mess within the area.
+1 on this.. choose a wide playpen mi para makaikot ikot si baby
ftm here, preggy palang ako bumili nako ng play pen, dun na rin kami natutulog ayun na yung pinakahigaan namin. sadly, cs ako kaya niligpit namin kasi mababa baka bumuka tahi ko, kapag malikot na si LO tsaka namin ulit ilalatag. good choice sya iwas laglag and untog kay baby tsaka para kampante kahit iwan saglit. btw 1 month and 1 week palang si baby
dati crib kami. pero bumili kami playpen na pang family. Bali pati kami sa playpen natutulog. and sa playpen Siya nahasa gumapang tumayo at maglakad. kaya baby ko 9mos pa lang nakakalakad na 15mos nakakatakbo na
Yes mi worth it ang laking tulong para sakin mi indi ka magwoworry kase wala sya sa kama indi sya mahuhulog kapag maglilikot dto rin natuto maglakad baby ko indi na need magwalker
sobra worth it ng playpen very essential pang matagalan,. sobra safe si Lo pwede sya mag laro mag isa, mag practice gumapang, mag walk.
Anonymous