Salamat sa pag sagot

FTM hr. Nababago po pala yung result ng BPS? Jan. 17 po kasi ako unang pinapa BPS ng private OB ko and ang score is 6/8 Nag suggest na rin po siya na need naipa-emergency cs since onti nalang daw po panubigan ko and may naka pulupot na dalawang umbilical cord kay baby :< . Yung IE po ako ni dra close cervix din. And wala po talaga akong nararamdaman na any sakit sakin like mag early labor ganon o naputukan ng panubigan. And yung nalaman namin offer ni dra na 80k for emergency cs, jusko shockt ako mga mi since di ko iniexpect na ganon pala ka mahal full pack na rin po daw kasi yon and nagsuggest muna din si dra na itry muna daw sa public hosp. Kaya nag try muna kami ni partner sa public hospital. Since may request naman galing kay OB na need na nga ipa emergency cs thank god kasi yung pinakita ko yon sa public hospital pin-prioritize po agad ako then Jan 21 yung pinagawa po ulit sakin is Nonstress Tests (NST) saka BPS. Then all goods naman po lahat yung movement, heartbeat. Pero laking tuwa namin ni partner result ng BPS ni baby kasi perfect score na 8/8. Ang problem nalang is yung nakapulot na cord sa leeg niya. Ask ko lang mga mi may posibilidad bang kayang i-normal si baby? Natatakot at the same time kinakabahan po kasi talaga ako ma cs baka matagal recovery since graduating student po ako. #36weekspreggy

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung loose naman po ang cord kaya po siguro inormal.

4d ago

pa'no kung naka ganto po ba mi keri pa po ba?

Post reply image