feeding bottle

hi, ftm here. anu po kaya best feeding bottle for newborn baby?

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang po, kung nipple like texture, Avent daw po talaga. DAW kasi hindi ko pa rin na-try, gift lang ng bayaw ko yong mga feeding bottles ni baby ko na palabas pa lang next month loobin. Pero sa akin, lagi kong kasing naiisip, kung anong trip ni baby or hiyang. May mga napanuod kasi ko nag avail sila Avent at yong Tommy kineme na feeding bottles pero ayaw ng baby nila. Try ka po siguro muna ng mura. Hindi man gusto ni baby, at least di ka napamahal agad ;) Ganyan kasi ko sa mga gagamitin ng baby ko since FTM din ako, if unsure, mag start ako sa "mura" pero alam kong quality para walang sayangan ng pera. πŸ˜… Sa panligo, lactacyd muna ko kasi mura at subok ng family namin. Mas trusted namin kesa mga Cetaphil at Mustela kasi hiyangan. Panlaba ng damit, perla kasi hypoallergenic at kadalasang advice rin ng mga mommies dito at marami pang iba. SORRY dami ko sinabi ah.. Hahah. Ang bottom line lang talaga eh, observe mo si baby sa trip nya at start small. Goodluck mamshie on your jouney as a FTM! πŸ€—πŸ€—πŸ€—

Magbasa pa

Avent, Tommee Tippee, Chicco, Como Tomo. Magaganda quality, pricey pero sulit kasi ung mga nipple nila ay almost dede ng mommy. Never nagkaron ng nipple confusion si baby. Yan ang ginamit ko s first baby ko habang nsa work pero pag nasa bahay ay direct latch. Pero pure breastmilk pa rin, pinapump sa work. Sa 2nd baby direct latch breastfeeding pa rin.

Magbasa pa

Ako gusto nya ung maliit lang na nipple para nasusubo nya lahat at walang natatapon na gatas.. kaya gnawa ko ung mga breastmilk storage ko bnilhan ko ng slow flow nipple na farlin.. mganda sila malambot kase..

VIP Member

unlilatch po sana para masanay si baby na mag breastfeed at para lumakas ang milk ninyo. if balak po pump and bottlefeed, avent po ginamit ko also pigeon

VIP Member

Farlin lang po c baby nun mommy, breastfeed po kc sya for 2yrs 1month. Laking tipid din po sa formula.

VIP Member

Pigeon PP Wideneck bottles mommy. Yun gamit ni baby ko. Okay sa kanya πŸ‘

VIP Member

Avent or Pigeon. Very soft ang nipple ng Pigeon compared to Avent.

avent po for me.. matibay po and may new bottles sila iwas kabag..

I bought avent. Pero di ganun kagamit kasi bf kami

Como tomo or pigeon.. malambot ang nipples