PASAGOT NAMAN HO.
FTM, Ako lang ba dito ang buntis na laging iniisip kung okay lang ba c baby, kung normal lang c baby? nakakapraning kasi masyado 😔 paano niyo po nalagpasan at maiwasan po yon NEED HELP 😔 ako kasi palagi ko po kasi iniisip ganyang mga ano po.

Ang lagi ko lng po ginagawa mi para matanggal din worries ko is pray lng nang pray. Yan lng nagpapagaan ng loob. Tuwing may nababasa ako dto na nagstop heartbeat ng baby nila. Lagi kong pinagdarasal na sana healthy at protektahan niya anakko. At lagi ko rin kinakausap baby ko. Na kumapit lng sia sa akin. Kasi maselan akong magbuntis ngayun. Sa awa ng diyos. Ok naman sia sa loob. Magalaw din sia. Kapapacheck ko lng sa ob ko kahapon. Pray lng tau mi na sana ok lng mga baby natin sa loob. ❤️🥰 Sabi nga nila walang bayad ang pagdarasal pero may sukli kang makukuha.
Magbasa paMi nakatulong sakin dati yung monthly check up ko kaya nabawasan yung pagiisip ko ng ganyan. Ftm din ako. Monthly check up kasi ako dati sa OB ko kasama na yung pag ultrasound para ma check si baby at yung heartbeat nya kaya di ako nagworry masyado. Wag ka masyado magisip mi kasi nakaka apekto din kay baby yan
Magbasa paWag mo po pagtuunan ng pansin yung mga tao na nagsasabi ng negative. Basta as much as possible wag ka po magisip ng kung ano ano. Tapos pag may naramdaman ka na sa tingin mo di normal punta ka agad kay OB or kung pwede itext ganun. Pag may tanong ka ilista mo lahat tapos pag monthly check up na itanong mo kay OB para mabawasan yung mga worries mo.
Preggers