Bumabyahe gamit ang motor.

FTM here. 23 weeks preggy po Ask ko lang po if may naka experience na sa inyo na sumakay ng motorcycle from Batangas to Cavite (vice versa)? Around 1 & a half hour ang travel time based sa Google map. Okay lang po ba na mag motor na lang? Mas maalog po kasi kapag nag commute kami ni hubby based po sa experience nung hindi pa ako preggy. Thank you. Sana po may makasagot.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Personally ay umaangkas pa rin ako sa motor even at 39 wks pregnant but it's only a 5min ride to/ from our house and office. Yung mga long rides na kahit 30mins lang, nahirapan na ko by 2nd trimester, so ako mismo ay ayaw ko nang bumyahe ng ganoon kalayo kapag motor lang. Naiintindihan ko yung tagtag/ alog, miski ako I'd rather walk kaysa sumakay sa padyak. Pero ang problema po kasi sa motor, aside from the obvious higher risk of serious injuries kapag nasemplang/ nabangga kayo, ay hindi ka makakarelax. Throughout ng byahe hindi ka pwede makaidlip, walang sandalan so constantly naka-engage ang core mo. Kahit may utility box sa likod, matagtag kapag sumandal ka. At habang lumalaki ang tiyan mo, mas mahirap na rin dahil hindi ka na makakadikit o yakap sa driver. So consult with your OB na lang rin po but I personally wouldn't recommend it considering sa layo ng magiging byahe ninyo, lalo na kung daily commute ito.

Magbasa pa