13 weeks pregnancy

#firstbaby #pregnancy 13 weeks pregnant po ako yan na po ba yan? Normal lang po ba tiyan ko? Hindi po ba maliit o malaki? Feeling ko po kasi parang bilbil ko lang po. SALAMAT PO SA SASAGOT!❤️❤️❤️

13 weeks pregnancy
33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

magsstart mo pa pong maramdaman ang paglaki ni baby sa 4th month 😊. wag ka pong masyadong mag-alala kung parang bilbil palang ang nakikita mo sa tyan mo. magugulat ka nalang po sa 2nd trimester biglang lumaki ng mabilis. wag po sana kayong magtaka at magtanong ulit kung sobrang laki na ba ng tyan niyo. 🤣 kasi si hubby ganun sakin eh. di na kasi ako nagulat since alam ko na dahil nga 2nd pregnancy ko na to. eh unang anak niya to kaya kinakabahan na siya baka daw nasubrahan ako sa anmum kaya ambilis lumaki ni baby 🤣. samantalang nung first 3 months lagi niya ako sinasabihang, "pinagloloko mo lang ata ako eh, bilbil lang ata to eh." sabay himas sa upper part ng puson ko. pero syempre joke niya lang yun 🤣

Magbasa pa

13 weeks di pa talaga halata. pag 16 weeks ang uterus mo ay aakyat in between symphysis pubis (or yung area bandang baba ng tyan, pakisearch na lang) at pusod. 20 weeks, saka pa lang sya aakyat sa pusod. so ngayong 13 weeks nasa pelvis mo pa lang sya or bandang balakang. bilbil lang yan. and its normal kasi bloadted talaga pag pregnant.

Magbasa pa

4 months po nagsimulang lumaki tyan ko nung pinagbubuntis ko ang panganay ko. Ngayon sa pangalawa 11 weeks preggy ako parang bilbil pa lang 😅 biglang bibilis po paglaki nyan mommy ang mahalaga healthy kayo pareho ni baby ❤️

VIP Member

According s nabasa ko s google, wala namn daw exact na sukat ang tiyan ng buntis. Maliit man o malaki, it doesn't matter. Ang mahalaga ay si baby sa loob. As long as healthy and ok sya sa mga ultrasound, no need to worry.

Sakin din po 22weeks na pero parang maliit na bilbil palang tyan ko dipa din ganun ka tigas malambot lang tyan ko Kaya until now dipa rin ako makapaniwala na buntis ako. Hehehe Pero lagi nang masakit balakang ko.

Same tayo momshie 13 weeks. Diko kasi alam kung tama lang din yung belly ko kasi may kasama pa sya bilbil. Hehehe pero alam ko normal o tama lang yan sayo.

wait nyo lang po ng 4-6 months lalaki din yan. ganyan din tummy ko nung early weeks ko. then ngayon di na magkasya yung mga short ko 😆😆😆

Mas scary ata kung sobrang laki na ng tummy tapos 13 weeks pa lang. Ito yung sabi sa'kin ng OB ko when I had the same concern, haha.

Ako po 5 months, nagsimulang lumaki tyan. As in nung mga unang months eh wala parang busog lang. Hahaha.

ok yan maliit lang sya. pero lalaki din yan wait ka lang ilang months biglang lolobo tyan mo mommy