Thank You, Lord! (10 Days Inactive Labor & 12 Hours Active Labor) YLIAZ is BORN

#firstbaby #1stimemom #theasianparentph October 28 - Check up ko, pag-IE sakin ng OB ko 2 to 3cm na daw ako. Nagulat ako kasi wala pa naman akong nararamdamang kahit anong sign of labor. Binigyan na ko ng request for swab test at admission slip sa hospital in case manganak ako agad October 29 - Nagpa-swab test na ko, habang naghihintay nakaramdam ako ng sakit at hilab ng tiyan pero hindi pa tuloy tuloy October 30 - Ganun pa din ang nararamdaman ko at may mucus plug na ko kaya pinapunta na ko ng OB sa ospital para ma-NST si baby at ma-IE ako kaso 2 to 3cm pa din October 31 - Check up ko, pag-IE sakin ng OB ko naglele-labor na nga daw ako kasi inactive pa at 4 to 5cm pa lang ako November 1 to 6 - Ginawa ko na ang lahat para magtuloy tuloy ang pag open ng cervix ko pero ung nararamdaman ko ganun pa din November 7 - Check up ko ulit, 5 to 6cm na ko kaya sabi ng OB ko pa-admit na daw ako ng gabing yun 6pm nagpunta na kami sa ospital, 7pm sinaksakan na ko ng pampahilab, naging active na ang labor hanggang sa inabot na ko ng madaling araw ganun pa din November 8 - Dumating na ang OB ko ng 5am, pag-IE sakin, 7cm na ko kaya pinutok na ang panubigan ko, observe daw ako ng 2 hours, pag hindi pa din daw bumaba si baby, CS na ko. Nung 7am na, stock pa din ako sa 7cm kaya sabi ng OB ko i-CS nya na daw ako. Kahit ayaw ko talaga, tumango na lang ako sa kanya at buong puso ko ng ipinagkatiwala sa Diyos ang kaligtasan naming mag-ina. Dinala na ako sa OR, ang huling pagkakatanda ko na lang ay nagpakilala sakin yung anesthesiologist at kinausap ako ng nurse tapos pumikit ako. Nagulat na lang ako ginising nila ako dahil tapos na daw. Ni-wala akong naramdaman at nadinig na kahit ano. Maya maya inilapit na sakin ang anak ko at pinapadede na sakin. November 8, 2020 at 7:21am ipinagkaloob ng Diyos sa akin ang pinakamagandang regalo, ang aking anak na si YLIAZ. Walang hanggang pasasalamat sa Diyos at maraming salamat din sa #theasianparentph dahil ito ang number 1 partner ko from the very start of my pregnancy journey.

Thank You, Lord! (10 Days Inactive Labor & 12 Hours Active Labor) YLIAZ is BORN
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congratulations mommy. ako din po nun nagstock ako sa 5cm, ayaw talaga mag open, kaya na cs ako. Kasi ilang araw narin ako naghintay at delikado daw para samin dalawa if magka uterine rapture. Anyways, God bless po mommy and welcome to the world baby. May you be filled with love, joy, peace, and health.

Magbasa pa

halos same tau ng pinag daanan... nsd lang sana kaso naging emergency cs din hanggang 5cm lang ako.. 21hrs putok na yung BOW ko.. induce labor pero wla pa rin.. kaya cs nlng ako ng ob ko na super bait..

Congrats mamsh. Me too 2-3 cm na ko last Monday and no signs of labor pa din.๐Ÿ˜Ÿ ayaw ko po ma cs.

4y ago

Hoping na makapanganak via normal delivery. Let's claim it.โค๏ธโค๏ธ

worth it po ung hirap..congrats at ngng successful nalabas na c bb..

Congrats po mommy.. โค๏ธ Sana ako din makaraos na.. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

congrats mommy... magka birthday pa kame.ni baby๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

TapFluencer

Congrats mommy ๐Ÿ˜‰๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿค—๐Ÿค—

VIP Member

congratulations mumsh ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Super Mum

Congratulations, mommy! ๐Ÿ˜Š

congrats po mommy