Jes Candelaria profile icon
SilverSilver

Jes Candelaria, Philippines

Contributor

About Jes Candelaria

Got a bun in the oven

My Orders
Posts(5)
Replies(25)
Articles(0)

It's a boy!!!

Finally, I was able to meet and hug you my Bub! Craig Harley C. Tan 2177 kgs. DOB: Dec 4, 2020 Edd via utz: Dec 5, 2020 FTM ❤️ Hi mga mamsh! Thanks God, nakaraos na. Dati pangarap ko lang makapag share ako ng birth exp ko and Tadaaaa! Makakapag post na din ako!☺️ I was 2-3 cm last Nov 16 and 3-4 cm on Nov 23 up to Dec 1. At this time of dilation, I haven't feel any labor pain puro pananakit lang ng puson minsan and mucus plug. Sobrang worried na ko mamsh! kase wala progress yung dilation ko for 2 weeks though nag-squat and walk exercise na ko. I had my bps utz on Dec 2 and still mataas pa si baby. :( On Dec 3, pagkagising ko ng umaga 10 am nanakit na yung puson ko and mas masakit sya and frequent pero tolerable yung pain. May brown discharge na din ako. By 6pm that day, muscle cramps every 10mins until yung interval nya is every 5mins by 8pm and masakit na din sya. By 8:43 pm pumutok na yung panubigan ko until I was rushed to the hospital and still 3-4cm pa din. Sobrang dami ng tubig na nalabas saken and I was refused by the hospital to admit kase ni disinfect yung OR. Umiiyak na ko nun sa kaba para kay baby dahil iniisip ko baka matuyuan ako and makikipag away na din si lip ko sa mga staffs sa Ospital na yon.😭 Almost 10pm ng ni rush ako to JP Rizal Calamba via ambulance and ramdam ko na yung labor pain every 5mins. Pero mas umiiyak ako sa situation ko that time and puro pray lang kay God. 10:45pm nakarating ako sa JP Rizal Calamba. Awa ng Diyos by 11pm, I was admitted to the hospital, still 3-4 cm. By 12midnight I was 5-6 cm and every 3mins na yung interval ng contraction ko. Tinurukan na din ako ng pampahilab and dito ko na feel yung sakit. Few minutes past, I was 6-7 cm and this time kinabahan na ko kase I know something is wrong. Nagkaproblema sa heartbeat ni baby until the Ob told my mother na emergency cs na ko. Sobrang kaba mga mamsh! Pero parang ayaw ni baby mahirapan ako. Sobrang miracle in few minutes nag dilate ako ng mabilis into 8-9 cm and pinaire na nila ko ng pinaire. Nahirapan ako kase di ako marunong mga mamsh! And by 1:12am, my baby was out!🤩😭❤️ Kahit may cut ako hanggang pwet sobrang worth it yung hirap ng nakita ko na si baby ko. Salamat sa Ama! Kase di ako pinahirapan ni baby ko sa labor though di naging maganda experience ko sa Ospital na tinanggihan ako. Sobrang salamat sa Ama!! ❤️❤️❤️ Hoping na makaraos na din kayo Team December and sa lahat ng mga mamshie na preggy! I love you forever my baby Uno!💙 #1stimemom #pregnancy #1stbaby

Read more
It's a boy!!!
VIP Member
 profile icon
Write a reply