163 Replies

VIP Member

Hi! Super nakakaoverwhelm po lahat ng comments niyo. Nakakalakas po ng loob. As of now, nasa full term na po ako at anytime pwede na pong manganak hehe. Waiting nalang po ako sa advice ng OB ko if for CS ako or pwedeng mainormal ko si baby. As per knowledge na rin po ng ibang momshies, paglabas po ng baby ko pwede na pong iundergo na agad siya sa surgery (lalagyan ng shunt treatment) depende po sa situation niya. Medyo pricey lang po kasi aabutin ng 11k to 20k pero wala na po yun, as long as umokay ang baby ko. :) Mga ganitong case ng situation ni baby is pwede daw pong GENETIC kaya minsan pinagkakaryotyping po nila which is nagcacause ng 5k to 20k if can afford naman po. If not, okay lang po. Sa case po namin, wala naman po sa family namin ang may ganitong case kaya nagwawonder pa rin kami if bakit nagkaganun. ++ pwede daw na anytime mawalan ng heartbeat si baby sa loob pa lang mg tiyan or pwedeng paglabas. So far, active si baby sa tiyan and normal ang FHR (Fetal Heart Rate) niya. Pasama pa rin po kami sa prayers ninyo na maging okay si baby hanggang sa paglabas. I am including all of you rin po sa prayers ko. 🙏 Nobody is impossible with GOD. Just pray and TRUST his plans. 👉👈

kamusta ka po at si bb

Kamusta kana at ang baby mo momsh? Share ko lang. 12weeks ako that time, sa ultrasound ng ob ko may nakita daw sya sa head ng baby ko na parang may defect. Grabe stress ko nung marinig ko yun. Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa di ko alam gagawin ko kundi umiyak lang ng umiyak di ko ineexpect kasi wala naman sa lahi namin at wala din daw sa lahi ng hubby ko. Araw araw ko pinag pray ang baby ko na sana nag kamali lang ang ob sa nakita nya. Nag pa 2nd opinion kami lumipat ako ng ob, then nung check up ko nag request sya na mag pa CAS daw ako kasi base sa nakikita nya ok naman daw at healthy ang baby ko. Yung 1st ob ko is ob-sono kaya talagang nakikita nya lahat ng part ni baby. Antagal ko nag antay kasi 24weeks pa dapat mag pa CAS. Nung 24weeks na ko at pinagawa ko na, THANK YOU LORD KASI WALANG NAKITA SA BABY KO AT NORMAL SYA!! 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Pero until now na hindi pa sya lumalabas everyday ko parin pinag pepray na sana nga normal sya at walang birth defects. I’m 32weeks now active naman sya malakas ang movement nya minsan nga ang sakit na sa sobrang lakas sumipa. 😊😊 Pray lang mommy, walang imposible basta sakanya ka kumapit. GodBless you stay strong 😉😉💪🏼💪🏼

Ilang weeks kana ngayon momsh? Pero yung movement nya sa tummy mo po. Kamusta? Namomonitor nyo po ba ang kicks nya?

VIP Member

TO UPDATE EVERYONE: Hi! I safely delivered my baby via CS last March 11, 2021. No picture attached kasi til' now nasa NICU siya. Daddy niya pa lang ang nakakakita sa kanya. Since naCS ako hindi ko pa nakita si baby. Due to strictly covid rules po kaya once na nailabas ko siya I don't have any update sa itsura niya. Today, Mar 14, I am still admitted here in East Avenue and as per my partner's update to me, hindi okay ang kalagayan ni baby. Kahit na napaalalahanan kami na hindi talaga magiging maganda yung prognosis niya. Ngayon, my son is still on monitoring. He's have a big size head, a flexed wrist as what as my UTZs results. Refer here and there ang nangyayari ngayon. Sabay labas ng hindi birong pera para sa sitwasyon ng anak ko. ++ upon checking po ng mga NICU nurses & doctors, if may butas siya sa puso. Kasi upon the pedia's update sa husband ko, my son is responding with OXYGEN kapag wala yun nahihirapan siya huminga. Please...please...please.. CONTINUE PRAYING FOR MY BABY. Alam kong di naman kami papabayaan ng DIYOS pero andun pa rin yung takot lalo na't aware ka sa mga possible na mangyayari sa kanya. Begging for your prayers.

praying for you and your family po . sana po wag kau panghinaan ng loob . tiwala lng po . everything happens for a reason . prayers and hugs to you po .

Pray lang momsh🙏🏻 yung saking baby girl andami nakita na abnormalities like SUA, then meron sya cyst sa may batok na sabi ng doctor parang yung kadugtong ng utak nya kumbaga nasa labas yung kalahati then nasa may nervous system pa nya. Pero naniniwala ako na may miracle may awa ang Diyos sa mga momshie na naniniwala at nananampalataya sakanya kaya pray lang tayo. Gaya mo na stress ako then nag pray at tinanggap kung anong ibibigay nya saakin pero naniniwala ako na normal si baby pag labas kasi active sya at ang heartbeat niya normal kaya kung may problema sya sana mahina ang heartbeat nya kasi sa nervous system naka kabit yung cyst na nakita ng doctor. Pray lang dahil maaaring yun ang nakita ng doctor sa baby natin pero si God pa rin ang may hawak ng buhay nila kaya si God lang ang ating makakapitan na maging normal si baby🙂

Ganyan din ako ka worried before. i was asking God to give me a heart of understanding and acceptance kung my abnormality si Baby dahil nag antibiotics pa ko due to teeth infection while i am at 2 months pregnant.. My advice is keep praying momsh, our God is sovereign and He will not allow challenges beyond our capacity to love and accept. continue to have faith and be positive, if all else fails, remember God knows you and is always with you. Jesus loves you and ur baby momsh..

Makikita po sa ultrasound. Much better if CAS para mas comprehensive ang checking ng body parts ng baby.

Wag kapo mawalan ng pag Asa lalo po dapat mag tiwala kay God . Prayer really works 🙏🏻 im 29 weeks napo today nung transv ko sinabi ng sono walang sack at baby di daw ako buntis pray lang ng pray hangang nakita namin sya kahapon nag pa ultrasound ulit ako kasi yung discharge ko tubig talaga sabi ni ob baka maubusan ng tubig si baby thank God . His a miracle worker okey naman daw yung tubig ni baby at healthy sya 💙 pray lang momsh Sama ko din kayo sa prayer God bless.

same situation sa sister ko momy..nagrequest sya ng ultrasound dhil lagi sumasakit tyan nya..nkita may abnormalities sa baby nya..iyak din sya ng iyak dhil sbi ng ob nya kelangan mailabas asap si baby dhil tuyo na panubigan..na emergency cs sya..nailabas baby nya may bukol sa spinal cord tugon sa utak dw..namamaga ang bituka dhil wlang butas ang pwet..lumpo din ang mga paa nya..Kya minutes lng pagkalabas nya nawala din sya...sna magkaroon ng miracle sayo mommy☺️

Prayers. I know ure just stress or what not. Though, pls be more sensitive "bakit all of people ako pa. Bakit baby ko pa" i know its not ur intention, u dont wish this to happen to anyone instead of u. Tho even we're preggies.. Pls be sensitive. Majority of ys are preggies. This might give something to anyone, such me. Pray for both of you tho. Hope evetything will go well. Just pray

hello mommy! malapit na din due ko and my baby was diagnosed with spina bifida on his cervical thoracic region and congenital diaphragmatic hernia. depressing po talaga and hindi mo maiiwasang magtanong kung bakit sayo pa or kung bakit sa baby mo pa nangyari. tatagan mo lang loob mo. walang hindi kakayanin lalo na kung lumalaban naman si baby. praying for your baby full recovery. ❤

Pa-second opinion ka muna mamshie. Please take all your vitamins lalo na folic acid, eat healthy foods and maternal milk. Pwede pa ihabol yung development ni baby since 22 weeks palang naman siya. Hopefully madevelop pa si baby while he’s on your tummy. Talk to him more often. Everything will be okay just have faith. Prayers for you and your baby ❤️

Thank you po, gumaan po kahit papaano yung pakiramdam ko. Magdadasal po ako na sana... sana talaga madevelop at maging normal pa siya sa mga susunod na weeks and months. 🙏

Trending na Tanong

Related Articles