14 Replies

VIP Member

Hello. Nasagot naman po ang tanong niyo dito, na nasa reseta po ng Dr. / Pedia kung ilang dose. Kung hindi malinaw, tanungin niyo na lang po ulit ang Dr. / Pedia, okay lang po yun. Pero dagdag ko lang po na hindi po pwedeng gawing regular na gamot ang antibiotic. At kung mapapansin niyo makakabili lang po kapag may reseta mula sa Dr. Ginagamit po yan kapag may infection na mahirap labanan ng Over The Counter medicines. Kapag naoveruse po ng antibiotic pwedeng mag develop ng resistance ang katawan, meaning hindi na siya tatablan ng mababang dose ng antibiotic. Maaring ikapahamak ng bata kapag ganon, dahil mahirap hanapin at napakamahal po ng antibiotic na may higher dosage na tatalab sa bata. Yun lang. God bless.

agree . 🙂 . wag po magself medicate lalo para kay baby 🥺

TapFluencer

Sinasabi po ng pedia or kung sino man ang nagcheck sa baby kung ilan ang dosage at kung ilang beses at ilang araw dapat ipainom. Nakadepende po kasi yan sa timbang ng baby. Wag nyo po syang paiinumin ng hindi nyo alam kung ilan ang dapat. Baka kung ano pa po ang maging effect sa baby nyo. Mas better po kung bumalik kayo sa nagbigay/nagreseta sa inyo nyan.

nakalagay po sa reseta ng doctor kung ilan beses sa isng araw at ilang dosage ang ipapainom, wag po manghula, baby po ang iinom, mataas na antibiotic na yan para sa 8months old, magtanong sa doctor bago mag experiment ng self medication. Ikakapahamak po ng baby nyo yan myy.

wag mag self medicate sa tanong mo sis mukhang di ka nagpa check up sa pedia ng bata kasi lagi naman nilang sinasabi ung dosage at nakalagay sa reseta yon wag kang basta basta papainom sa bata ng antibiotic baka imbis na gumaling eh lumalala lalo ung sakit

Wala bang nakalagay sa reseta? Bawal painumin ng antibiotics ang baby lalo nat wala naman reseta. Wag ka agad mag desisyon na mag co amox si baby lalo nat di mo pa naman napapacheck up.

Beh, sinasabi ng pedia ang tamang dosage ng gamot,maliban kasi sa Antibiotics yan, malakas na gamot yan at hindi basta basta pwedeng ipainom ng ganon ganon na lang

VIP Member

Hi mi, you need to consult your pedia on this. If im not mistaken, co-amoxiclav is an antibiotic, and it should be taken accurately and properly.

Kung anong nakalagay sa prescription yun ang sundin mo. If in doubt ask the dr again or punta ka sa malapit na center for proper guidance

Hindi po ba na explain sayo inyo ng nag reseta? Better na bumalik po kayo para sure sa dosage. Antibiotic po yan, hindi bastang gamot

Depende po sa timbang ng baby ang dosage ng gamot. So better ask your pedia about it lalo na antibiotic yan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles