Palaging lumuliyad si baby?

First time mom here. Worried po ako,panay po kasi Ang liyad ni baby at pag inat. Tapos inaangat pa po Niya Ang ulo Niya at tumitingin lagi sa itaas. Normal po ba yon? Na dedepressed na po ako Kasi palaging sinasabi nang biyenan ko may Mali daw po sa baby ko. Baka raw po may kapansanan. Palagi ko pong iniisip na Wala po akong kwentang ina dahil don. Please paki sagot po ako. #1stimemom #advicepls #firstbaby

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din baby ko...parang sinusundot ang pwet nya tapos hindi sya makatulog sa gabi..naawa nga ako kasi antok na antok na sya, pag napipikit na sya, bigla syang liliyad...wala namang makasagot sa tanong ko..nagwoworry na ko πŸ˜₯πŸ˜”

Pag kakargahin si baby wag pagi pahiga kasi masasanay po sya na nakatingala or nakatingin sa taas. Pag may tinitignan sya isunod nyo po ang ulo nya sa tinitignan nya. Pag naliyad si baby ang gusto non magpakarga.

sakin po ganyan din nung hindi pa malinaw ang paningin nya pero ngayon po ok nmn po..dalawa na po baby at parehas ng case pero normal nmn po ang panganay ko..

VIP Member

Nako, relax lang kamo si biyenan mo. Nung baby pa ang anak ko, mahilig talaga mag inat at lumiyad liyad. Btw, ilang months na ba baby mo?

Ganyan din baby ko minsan nga parang nagllock ung leeg nya.. makikita nmn sa result ng screening kung my mali sa baby

baby ko ganyan din po nung 2 months lagi nakatingala at inat ng inat ngayon okay naman kasi nakakaupo na si lo

normal lng po mg inat ng mg inat, at tumingala kuhanin nyo po atensyon nya pra hndi tumingala

hows ur baby po? hilig din kasi lumiyad baby ko. feeling ko minsan mababali na leeg at likod.

1y ago

Same po sa baby ko 5 mos n ngaun. Kamusta po bb ninyo?

musta po si baby nyo? need ko na rin bang mag worry? liyad nang liyad din baby ko πŸ₯Ί

1y ago

Same sa baby ko 5 mos na. Kamusta po baby ninyo?