Just asking
First time mom here Totoo po ba ang sinasabi ng matatanda na kapag tulog ka ng tulog, mas lalong lalaki ang tiyan, at mahihirapan kang manganak#pleasehelp #pregnancy
simula mabuntis ako hanggang bago ako manganak tulog lang ako ng tulog. higa lang ako maghapon kasi tamad na tamad ako nun e. walking lang ako every morning pagdating ko ng 3rd tri yun na pinaka exercise ko hindi naman malaki tiyan ko. para lang akong busog. yung hirap sa panganganak, normal lang naman yon pero sobrang worth it pag nakita si baby 💛
Magbasa panung first trimester ko malakas na talaga ko kumain nag gigain ako 1-2klos monthly hindi ako pala tulog tapos nung tumuntong ako ng 5months mawala ung cravings ko Kaso Panay tulog Naman ako Hindi ako masyado nakain.. ayun sa awa ng dyos 4 klos Ang dinagdag ng timbang ko so parang totoo nga mas nakakalaki Ang tulog
Magbasa paMe po simula 1st hanggang ngayon 20weeks mas madami pa kong tulog kaysa kain, minsan once a day lang ako nakakakain dahil sa kakatulog ko, binabawi ko nalang sa vitamins. Normal lang naman yon kaya huwag mag worry if antukin 🙂Need din natin yon kasi puyat na tayo lagi paglabas ni baby.
kapag 1st trimester tulog ka lang sis kasi need nyu ni baby kapag malapit ka na kasi manganak hirap ka na makahanap ng tulog.. 😅🤣 pero kapag early 8 months ka na sis lakad lakad ka na para naman makatulong pagbaba ni baby
Sleep/rest whenever you feel like it, but make sure to incorporate kahit onting physical activity like walking, yoga, stretching, etc to your daily routine. Nakakatulong sya to minimize stress, weight gain and etc.
no po. tulog naman ako ng tulog nung buntis ako lalo 1st trimester, depende lang po kung talagang malaki magbuntis dun lang malaki din ang tiyan pero kung kay baby sweets po ang mas nakakapagpalaki sa kanya
Ako na iimik pa lang na inaantok ako pinapagalitan nako kesho lalaki daw ako ng lalaki kaya ayun hindi na lang ako natutulog ang hirap kase ng may mga kasama sa bahay pinupuna na lahat.
Antukin talaga pag preggy Mi because of pregnancy hormones ☺️ Tulog ka lang, ako nga basta antukin di ko talaga nilalabanan borlog agad hehe
kung inaantok ka, itulog mo lang. dahil kpag nanganak ka na mas kawawa ka sa puyat. nasa 21st century na tayo, mas maniwala sa mga doktor kesa sa sabi-sabi
Need po ni Baby and pagrest niyo mommy. so hindi po talaga kami naniniwala sa mga pamahiin. mas makakasama pa kay baby kung kulang ka sa tulog
Got a bun in the oven