Kailan dapat magpa hair treatment?
First time mom po. Sobrang nadedepress na ko sa itsura. Ang laki ng pinangit ko Mula ng nagbuntis ako. Although sabi naman ng husband ko na maganda parin ako sa paningin nya at mahal na mahal nya ko lalo na ngayon na bibigyan ko sya ng baby, still pag tumitingin ako sa salamin, muka akong losyang. Hindi naman ako high maintenance, pero gusto ko talaga na palaging maayos ang hair ko at eyelashes. Yung eyelash extensions ko naka schedule na para malagyan ako. Pero undecided ako if before ako manganak magpapa rebond at kulay ng buhok, or 5-6 months after manganak? Ang worry ko kasi if after manganak ay gusto ko mag breastfeed, pero baka magkasakit si baby dahil sa amoy ng chemicals. Ngayong preggy ako, di ko sure if safe. Yung OB ko kasi is old school and very strict kaya hindi ko matanong if pwede ako magparebond. By the way I'm on my 32 weeks. Alam ko least sa priority ko dapat yung ganitong problema. Pero sobra na kong naaapektuhan to the point na umiiyak na ko gabi gabi at ayaw ko na manalamin. Please help 🥺