weight/underweight?

Hello., first time mom po.... hindi ko po mapacheck up si baby dahil po sa lockdown..... ask ko po if my same case sa baby ko running 2 months this coming May 02. Worry lang po dahil sa nakikita kong pics ng ibang baby ang taba tingnan na ang lulusog nila.... FF questions... 1. Normal po ba na magaan pag kinakarga si baby after magpupu at dahil ng hindi pa nakapagdede ulit? 2. pag kinakarga minsan magaan, means Underweight po ba si baby? 3. Exclusive BF po since pinanganak si baby...everytime ng papadede ako inoorasan ko at minsan nakakatagal siya ng 04-15 mins. At pinaka matagal niya 20-30 mins.... may times na every hour dede niya pag sandali lang... kulang po ba na dede ng baby ko kaya every hour dede niya? 4. Pag tulog si baby especially pag madaling araw may times na delay 1-2 hours sa oras ng pag dede pag hindi ako na gising sa alarm kaya kinukuha ko sa kuna para lang magdede at pag ayaw ginigising ko para makapagdede si baby....ok lang po ba yun na gisingin para dumede? Or dapat ko hintayin na siya mismo ang magdede? Thank you po sa mga sasagot....???

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ilang kilo ba siya? Dun mo lang naman malalaman kung underweight siya eh. Pero as long as healthy si baby wala kang dapat ipag alala. Di naman po kasi lahat ng baby tabain.