Ano poba ang procedure ng induced labor?

First time mom po here, first baby going to 40 weeks nako, pag dipadin ako nag labor this week sa Monday diretso admit na daw ako. Wala po eh as of now kahit anong lakad squat exercise ko, no sign padin. nung isang araw pa ako nagkaroon ng contractions parang Brixton hicks lang.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Based sa exp ko sa 1st baby ko Sis, inadmit ako nun, 2cm pa lang nagopen cervix ko, ayoko na kasi maghintay ng natural labor kasi iba po yung case ko bat papaanakin nako.. Anyway po, pagkaadmit sakin nun IE sakin ulit kasabay nung ng cervical scrape , after IE nagstart magcramps, then may pinainom saking tablet at may pinasakn na tablet din sa vagina ko. In 2hrs nagstart na humilab talaga, at sunud sunod na yun na patindi ng patindi yung sakit. then every 1-2hrs and IE sakin nun to check.. after almost 10hrs from induction nag 8cm na ko, dun tinurukan ako ng mas magpapahilab pa, after nun nagtuloy tuloy na talaga bumuka hanggan 10cm yung cervix ko at naiire ko si baby ko in 3 pushes lang kasi ang bilis talaga pag induced, nansun na agad yung ulo ng baby ko sa pwerta ko. Basta pray ka lang po at lakasan mo loob mo kasi mas masakit yung induced kesa natural labor talaga (induced kasi within 24hrs mangyayari lahat mabilisan, unlike sa natural utay utay na araw, unti unti ang oagsakit kaya inaanbot ng ilang araw bago maging active labor talaga)

Magbasa pa
3y ago

ako din ininduced din highblood naman ang case ko.