Hello, tatanong ko lang po kung magkano po kaya bayad sa check-up? And kasama na ba don ultrasound?
First time mom and first time mag papa check up here. Salamat po sa mga sasagot. #asianparent_ph
Depende po yan sa pagpapacheckupan ninyo. Personal experience ko, sa private OB ay P250 per checkup, wala syang ultrasound, nagrerequest lng sya for utz every 3 months. Sa lying-in (philhealth accredited) walang bayad ang checkup, wala rin silang ultrasound. Yung sa officemate ko, may ultrasound machine yung OB nya kaya every checkup meron din sya pero no printout, nasa P300 or P350 ata sya per checkup. Sa province kami.
Magbasa padepende momshie, sakin charge naman Ang Doctor's fee sa card ko as a member pero mga laboratory like ultrasound babayaran mo pa din. nag request midwife for TVS, 700 sakin . depende po ata sa clinic ang presyo ng ultrasound.
sakin mima private obgyn, pero wala pa kong binabayan na dr. fee. sa vitamins lang ako nag gagastos then 1st tranvs ko 650, urinalysis 90. meron din naman libreng check up and vitamis. true health center sa lugar niyo.
Ob fee for monthly check up+baby monitoring thru utz=400 Transv=950 TAS=850 CAS=2500 Wala pa po vitamins. Pwede bumili at hindi if kukuha free prenat vitamins sa center, pero lahat sa ob ko binili.
Magbasa paDepende po mommy. Dito po sa area namin sa Lipa City: TVS: 1,000 Pelvic UTZ: 650 Check Up: Lowest Fee is 500/ Meron din po OB na 800-1000 ang consultation fee Check Up with HMO: 200 pesos
Magbasa pamagprepare ka mga 3k sa first checkup lalo na kung wala ka healthcard.. estimated OB PF: 1k + transV : 1,500 tapos baka pabilhin ka na din ng prenatal vitamins
Depende po kung saan ka magpacheck up. 400 check up. Ang ultrasound depende kung anong uri ng ultrasound - transV 950, CAS 2600. Sa lying in po yan, mas mahal sa iba.
ano po difference ng transv sa cas po?
First check up ko ay 600 then 500 nalng every appointment. Ung TVS ko ay 1500 ang bayad. So it depends on sa kung saan ka.