6 Replies

During pregnancy bumababa ang hemoglobin talaga, normal na yun since naghahati kayo ni baby. pati nga rin calcium need esp during 2nd tri kasi yan na yung start na palaki na ng palaki si baby. kaya nga pinagtatake tayo ng OB ng ferrous at calcium to prevent bumaba, ika nga prevention is better kesa naman mababa na tapos magkaron na ng ibang effect sayo at higit lalo sa baby mo. yan iexplain mo sa mother mo. Hindi naman po porke midwife sya e uunahan na nya ang desisyon ng OB mo. OB ay Doctor po yan alam nila ang ginagawa nila, pinagaralan nila yan ng sobrang tagal. Kung ayaw pa rin patalo ng mother mo, isama mo po sya sa clinic ni OB at dun sya magtanong ot better yet, si mother mo na alng ang magalaga sayo, bitawan nyo na lang ang OB kungbgusto nya sya ang masusunod.

OB pa rin po masusunod. Ang ferrous sulfate po ay tuloy tuloy na iinumin kahit normal ang dugo hanggang manganak. Minsan nga po pinapaubos pa yun after manganak dahil sa blood loss during childbirth. Dalawa po kasi kayo ni baby ang may kailangan nun kaya ituloy niyo lang po.

Hindi naman mababa dugo ko pero tuloy2 lang ako sa prenatal ko including Hemarate FA hanggang sa manganak as per my OB. search mo nalang sa google mga benefits nya.. si mother mo ba mag papa anak sayo? no offense to your mom but if i were you ill ask my OB approval first..

sakin naman pinapainom ako ng midwife ng ferrous pero ayaw ng ob ko. pagka anak na lang daw. di ko din alam mung iinom ako o ndi ng ferrous kasi tinatanong lagi sa center kung nainom ako.😔

ako momsh may reseta sa akin si ob na ferrous sulfate nagstart ako around 28 weeks pregnant ako. iniinom ko sya kahit normal naman dugo ko. as per my Ob's advice need namin sya ni baby.

Okay naman po ba dugo nyo? Ako din po kasi walang ferrous pero normal naman din po yung last CBC ko. Iron folic multivitamins tinetake ko. 🙂

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles