CS or Normal?

First pregnancy/baby ko 'tong pinagbubuntis ko ngayon, may random people na nagtanong kung kelan daw lalabas si baby at kung pang-ilan ko na siya. So sinagot ko naman ng maayos at magalang, then sabi nya sakin ang laki daw ng tiyan ko baka daw CS ako. Is it true? Nakaka-bother talaga makarinig ng ganyan lalo pa gusto ko mag-normal lang.. 34 weeks na ako now. Bilog na bilog ang tiyan ???

CS or Normal?
47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello mommies. Nagulat naman ako biglang nag-appear 'to 🤣 May 31, 2019 nanganak na po ako. 37 weeks at NSD. Katakot-takot na labor dinanas ko nun. At opo, last trimester ko dun ako nahilig sa matatamis, nagdiet din ako nun kasi ang laki nga ng tinaas ng timbang ko, mula 50kg naging 65 kg at ganun parin timbang ko HAHAHAHAHAHA. Mix fed kami ni baby dahil mahina supply ko. Mag-7 months na po si lo ngayon (sa pic ko, mga 2 mos palang ata siya dyan 😂). So mga mommy po na di pa nanganganak, good luck po, at galingan ang pag-ire. If ever na may tanong, nandito lang ang tAp community para tumulong! Ingat po. At God bless! 😊💕

Magbasa pa