Due date: January 20, 2020

This is my first pregnancy. Hanggang ngayon wala pa ring signs of labor. Naiinip na ko hehe. Ayoko mastress pero nakakastress talaga. Ano kaya kelangan kong gawin? ?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka ma stress, at mainip. ienjoy mo muna sarili mo. Magpahinga ka. Magpalakas ka. iprepare mo ang sarili mo dahil pag nandyan na sya mas maraming lakas ang kailangan mo. Physically, emotionally and mentally syempre ati financially. Matulog kana ng marami dahil hindi kana makakatulog ng mahaba pag nandyan na sya. Hahahaha. Kalma ka lang. Pag lalabas na sya, lalabas na sya. Godbless mommy. Goodluck! Have a safe delivery! 😊

Magbasa pa

Thank you so much sa pagsagot! Nakakawala din ng stress itong app na 'to lalo na pag may sumasagot sa mga tanong ❤ although I am a nurse, kelangan ko pa rin ng tulong ng ibang mga mommy hihi. Ang galing galing ko mag advise sa ibang patients pero pag sayo na pala nangyari, parang wala ka talagang alam hahaha or napaparanoid lang ako sa kung anong pwedeng mangyari 😂

Magbasa pa
5y ago

hha nakaka pressure no 😆 ineenjoy ko nlng. kc baka mg panic ako pg nanjan na.

Ako sobrang stressed na po Due ko Bukas 14 😢 no sign Pa din 😭 I do my best naman Para Lumbas na si baby pero Ayaw pa talaga, Nakakstressed and Nakaka nega 😭💔 dagdagan pa ng mga Tao sa paligid mo na makapag advise akla nila wala akong gingawa para lumbas na si baby😭😭💔

5y ago

Hi! Nanganak kana ba?

same 🙋😅 38weeks 5days,, nakakainip pero as per OB kung gusto na talaga ni baby lumabas,, lalabas at lalabas na po.. still close cervix.. enjoy nalang po natin habang nsa tummy pa, pglabs bka mamiss ntin sil sa loob ng tummy.. lalo pg nagalaw 😊

VIP Member

Kausapin po si baby, and more lakad po pra saglit ka lng masaktan during ur labor. Ganyan din po ako hehe, dalasan nyo napo ang visit sa ob nyo kasi baka mamaya open cervix kana mamsh di mo namamalayan, pag ayan na yung due mo, better pa induce kana po.

5y ago

Hindi po, mas napabilis pa po pag lelabor ko sa induced

Waah same case same due. 😭😭 nkakastress na tLga, lht n gngwa ko nka 3opcs. Nku ng evening primrose 😂 Tas more squat at walkong ndn kumain n ng pine apple, uminom ng pine applejuice everynight peru wLa pdin 😭

Me mommy, due date is Jan23. Masakit na pag nagalaw si baby ang lakas na nya. Closed cervix pa din and mataas pa daw si baby accdg to my OB. Nakakaexcite na nakakatakot maglabor. 1st time mom here also 😁

VIP Member

ako sa 22 na 1cm palang nung wed. kelangan dw mglakad lakad .. nkakarmdam ako every other day ng braxton h. pero saglit lang nawawala dn agad. check up ko ulit sa wed sana may pgbabago 😆

Haaay pareho po tayo. Plus nag aanxious ako ng sobra sa labor pain, ano ano na pumapasok sa isip ko. No signs of labor pa din. Anyway, sa transV Edd mo po ba yan? At anong month naconceive si bb?

5y ago

Actually via lmp = jan. 18 Sa first ultrasound naman = jan. 23 Pero dun sa doctor ko = jan. 20 😂

Same. Pinainom na ko ng evening primrose twice a day. Sinabihan na ko ng OB na hanggang 40 weeks lang. Nakakapressure 😅 kausapin si baby at dasal lang tayo hehe :)