142 Replies
Congrats kay baby! β£οΈ Recommend ng OB ko is gyne-pro na fem wash para mag dry yung sugat. Okay lang naman na mag pee ka as long as huhugasan mo after para di mainfect yung sugat/tahi. For the poop naman normal din yung di ka muna matae for like a week, wag mo pilitin or mag ire para makatae kasi baka bumuka yung sugat.
betadine feminine wash po at mag vitamins ka bewell-C makakatulong sa Pag heal ng sugat mo .ako din umabot hanggang pwet ksi malaki ung baby ko plus diabetic pa ako Pero now ok na tahi ko at wag ka po magkain ng kanin soft diet ka po muna like lugaw or sopas .Sana makatulong π congrats anyway π
Same tyo 37wks dn ako nanganak last month. Bti wlang problema sa baby ko lalo na sa lungs nya ksi sbi ayan dw ung huling nade develop sa baby. Betadine povidine ako after 2wks ok ng sugat ko. Then i used betadine daily fem wash naman ung violet. Para mabalik ung moisture ng pempem ntn.
may nirereseta po para malambot lng poop mo ask mo po ob mo kc ung sa 1st born ko nun nahirapan din ako magpoop gang pwet din tahi halos 2hrs ako sa cr wala kc nireseta sken gamot nung sa 2nd ko may nireseta sken aun d ako nahirapan mag poop color greeb na tablet un nakalimutan ko name.
congrats sis! pakulo k ng dhon ng byabas sis tas un ang pang hugas mo sa p.part mo.make sure n nlinis muna ung dhon at maligam2 pwde dn na alcohol lagay mo s napkin pagtyagaan mo lng ung hapdi sa fem.wash betadine po kc ung ang gmt ko until now.mild ang amoy kulay pink
Bukod sa betadine na fem wash..gami ka nung medicated na sanitary pads..mej mahal nga lang pero ok sya.. Pero nung unang baby ko,di pa uso medicated pads,yyng napkin pinapalagyan ng nanay ko ng alcojol..konti lang.. Yyn..mabilis nag-heal
Wag ka muna mommy kakain ng madaming solid yung masasabaw muna ang kainin mo para di ka mahirapan mag poop. Betadine fem wash naman ang pinanghugas ko sa akin. Gang pwet din ang hiwa ko pero 1 week lang nakakalakad na ako ng maayos.
Congrats , Ganyan din sakin momsh may binigay saking sabon sa lying in. FemGanic ung tatak Ihahalo mo lang un sa tubig na galing gripo tapos ang pambanlaw mo Betadine na hinalo din sa tubig. wag daw magmamaligamgam.
Same po tayo momsh, hanggang pwet din ang tahi ko. Nireseta sakin ng OB ko na feminine wash GYNE PRO mabilis nag hilom ang tahi ko. Tuwing iihi ako yun ang ginagamit ko and maligamgam na tubig ang pang hugas
Warm water and betadine femwash lang. Normal na paghugas lang ng pepe. Pat dry mo pagkatapos maghugas o maligo. Nsd din ako sa 1st born ko. And umabot din sa pwet tahi. Hingi ka sa ob mo ng suppository.