Meet My SONshine ☺️

Finaaaally! Masheshare ko na din experience ko ☺️ Meet my SONshine ☺️ Adriel Ryle ? Via Normal Delivery Birthdate: September 28, 2019 ? EDD: October 11, 2019 Excited si baby lumabas hehe I'm 38 weeks pregnant nung nilabas ko sya. Hindi ko inexpect din na lalabas na sya last week kasi in-IE ako ng Tuesday(Sept 24) closed cervix pa and my OB said na hindi pa ko manganganak that week. Pero iba feeling ko. Ramdam ko malapit na lumabas si baby ko talaga. Tapos sumakit pempem ko Thursday night. Hanggang Friday morning di pa din nawawala ung sakit. Tapos lumabas na mucus plug ko nung Friday morning. Ayun derederecho na ung pain. Nagpacheck up ako ng 1:30pm. 2cm na ko. Yung pain di pa din nawawala. So naglakad lakad ako. Lakad ng lakad. Then 9pm ang sakit pdn. Bumalik ako ng lying in. 4cm na. Tapos nagpaadmit na ko. Hindi na nawala un pain nun. Lumala pa. 11pm 7cm na ko. Tapos 11:30pm dumating OB ko. 8cm na. Tapos dinala na ko sa delivery room. Saturday 1am lumabas na si baby ??☺️ Thanks God talaga for safe delivery and nakaraos via normal delivery. Napakahirap pala talaga mag labor at manganak. By the way, FTM here pala ☺️ Habang naglalabor ako. Ulit ako ng ulit na ganito pala pakiramdam ng naglalabor. Napakasakit pala talaga. Lalo manganak. Pero worth it lahat ng pain paglabas ni baby. Mawawala un sakit pag rinig mo ng iyak ni baby at pagpatong nya sa dibdib mo. Sobrang the best talaga sa pakiramdam ? For all mommies out there, I salute you all and para sa mga magiginh mommy palang, goodluck and kaya niyo yan ☺️

Meet My SONshine ☺️
203 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naeexcite na din ako lumabas ang baby ko. Few more weeks to go na lang. ♥️🥰 Congrtas!