feeling ko kasi pinagkakaisahan kami sa bahay ? nakatira kasi kami ngayon ng lip ko sa mother ko . pero dati nakabukod na kami ni lip nung hindi pa ako buntis pinalipat lang kami ng mother ko dito nung nabuntis na ako since gusto nya ako maguide sa pagbubuntis ko kasi 19 lang ako tsaka malayo kami ni lip nasa quezon kami si mother naman sa laguna. nung una okay naman kami dito nung kami palang nila LIP mama ko ako at pamangkin ko ang nakatira dito pero nung dito narin tumira yung ate ko kasama lip nya parang nagbago yung pakikitungo samin ng mother ko lagi sya galit samin ng lip ko lagi mainit ulo nya samin nagtataka lang ako kasi lahat naman ng pakikisama ginagawa namin ng lip ko lahat ng pabor nasa mother ko kaya hindi ko alam kung anong problema. hanggang sa isang beses nahuli ko mother ko tsaka ate ko na nagbubulungan narinig ko yung sinabe ng ate ko na kesyo wala daw mangyayare sa buhay namin kung ganun kami mga feeling prinsesa at prinsipe daw kami e ang totoo non sila yung ganun kasi pinagsisilbihan namin sila ng lip nya tutulog sila umaga na tapos gigising sila kung kaylan nila gusto pag gising nila nakahain na ang pagkain hindi rin sila natulong sa gawaing bahay pagkatapos nila kumain kanya kanyang kapit ng yosi at cp tapos kami na magaayos ng pinag kainan nila kaya hindi ko makita kung saan banda yung nagbubuhay prinsesa at prinsipe kami ng lip ko e kami lang naman ang nakilos sa bahay. tsaka bawat kilos namin nakasubaybay sila at binibilangan kami sa kinakain namin. animo pag gamit ng sabon sa paglalaba binibilangan kami ng ate ko hindi ko alam kung bakit kasi mother ko naman ang nabili non. tapos lagi ko na sila nahuhuli na pinaguusapan kami ng lip ko naisip ko siguro kaya ganun sila kasi walang work lip ko since nasa quezon ang work nya need nya iwan work nya. so eto na nga nagkaroon na ng work lip ko lalo uminit ang dugo nila samin lalo na ang ate ko pero sa mother ko okay naman natuwa pa nga sya e kasi malapit na ako manganak sakto may work na si lip ko. hindi ko alam kung anong problema nila e sila nga tong mga patabain sa bahay pinagtatrabaho sila ng mother ko ayaw nila. hindi ko alam kung san na kami lulugar wala na kami ginawang tama sa paningin nila yung mother ko hindi ko na rin maintindihan minsan nasamin ang panig nya pero madalas galit sya samin hindi ko alam kung bakit. alam ko dahil sa ate ko yun pero hindi ko alam kung anong rason nya bat nagagalit sya samin lagi nya kami pinaparinggan sa bahay kahit sa fb nakikita ko mga pahaging nya samin hindi ko lang pinapansn kahit sobrang sakit sakin iniiyak ko nalang minsan kung kelan manganganak na ko saka nila ako ginaganto stress na stress na ko nagsabi na ko sa mother ko na bubukod na ulit kami pero ayaw nya kasi natatakot sya sa panganganak ko since maselan ako. hindi ko na alam gagawin ko hindi ko alam dahilan kung bakit kami ginaganon ng kapatid maayos naman pakikitungo namin sakanya. sabi nila hyaan ko nalang pero di ko maiwasang mabother kasi minsan below na the belt na yung pagpaparinig samin sobra na akong naiistress kaya siguro ayaw lumabas ni baby EDD ko ay nov 20 pero wala parin sign of labor hindi ko na alam gagawin ko ????