15 Replies
Akala ko sis ako lang nakakaramdam ng ganto! Shems! Hindi lang pala ako, tuwing stress din ako sa jowa ko lagi ko sinasabe sakanya na maghiwalay nalang kami kase lagi kami nag aaway at grabe din ang pagseselos ko malaman ko lang na lumalabas siya na camp nila ng hindi ko alam ano ano na iniisip ko o nag iinom siya ng hindi ko alam, tapos mag aaway kami at ano ano nasasabe namin sa isa isa pero sinasabe ko din sakanya na ako din mismo sa sarili ko hindi maintindihan bakit napaka emosyonal ko ngayon lalo na pagdating sakanya lumakas lang boses nya sakin naiiyak nako minsan hindi nya ako magets kaya di kami muna nag uusap ng ilang oras o araw tapos manunuyo na siya Thank God sobrang lawak ng isip ng jowa ko sakin kahit halos isumpa ng yung ugali ko ngayon kumpara dati na wala lang sakin kahit ano gawin niya. At lahat ng makakapagpagaan ng nararamdan ko ginagawa niya kahit magkaaway pa kami at di na namin ulit pinag uusapan bakit ba kami nagkaaway. Kaya mo yan sis! Ganyan daw po talaga advice sakin ng mother ko at yung parents ng jowa ko. 🙂
Okay lang po yan kung gusto mo muna ng cool off pero mas maganda padin mamsh na makipagayos ka sa bf mo ganyan din kase ako dati bago ako mabuntis di naman ako ganun kaselosa pero nung mabuntis ako may makita lang ako na babae nakakausap ng bf ko kahit kaibigan niya lang sobrang nagagalit ako feeling ko magloloko siya and dahil dun minsan naasar na siya minsan naisip ko pagod na din ako sa relationship namin pero ako nalang nagsorry kase mali ko din naman and ako na nakikipagayos di lang para sakin para nadin kay baby😊
Ganyan din po ako dati. Walang linggo na wala kaming away. To the point na naglayas na si hubby dahil di na daw kaya ang ugali ko. Pero umuwi din naman sya kinabukasan, tinakot lang ako. Nung ok na kami, kinausap ko sya na if ever awayin ko sya ng wlang dahilan wag nya ako patulan kasi di ko naman sinasadya at hormones lang. Nakatulong din yung paliwanag ng lola nya na baka sya pinaglilihian ko, na buti nga at di ko sya binabato ng kung ano ano. Easy lang mamsh, relax at wag padalos dalos.
Buntis ka po kasi kaya ganyan po nararamdaman mo. Normal lang po yan sa buntis baka nga po kapag nanganak ka mas dumoble pa yung pagiging OA mo kasi dadaan at dadaan ka sa post partum. So tibay lang ng loob kaya mo po yan. Kung niloko ka nya dati at nakita mo naman na nagbago sya isipin mo nalang yung baby niyo.
Ganyan dn ako nung nalaman ko na buntis nako. Sabi nanay ko wg masyado nag isip isip ng kung ano ano, normal lang dw yun kasi nasa stage na tayo na magiging soon to be na dn na nanay kaya madami pagbabago sa atin. Just focuse na lang sa mga positive na bagay sis :) keep on praying na din po.
Mommy i feel you po, ganyan po nangyari saakin and 3months na rin po akong preggy , dala lang po tlga yan sa pagbubuntis subrang nangayayat nga ako nung time na yun at gustu ko ring hiwalayan bf ko. Ang ginawa nalang namin once a month magkita at di masamyadong nagcocomunicate 🥰🥰
very emotional po talaga pagpreggy, nakakababa ng self-esteem at nagseselfpity. kaya mas okay po na kausapin mo bf mo, sabihin mo po mga nararamdaman mo tsaka dyan mo po kasi makikita kung hanggang saan ka nya kayang intindihin. mas kailangan mo po sya dahil preggy ka.
Part po yan ng hormonal change normal po yan. Maiintindihan ka naman po ni jowa of gnon :) ako nga konting kibot lng sa office bago ako ibedrest lahat ata ng tao dun inaway ko na dko nmn gawain un dati. :)
hormonal changes mo yan, dahil buntis ka. Wag padalos dalos. Emotional lang talaga tayong mga buntis lalo na sa first trimester. Huwag masyadong pa'stress. Bawal satin yan.
Ganyan din ako dati, gusto ko maghiwalay na kami kasi stress na ako kasi lagi na lang ako nagseselos pro mawawala din yan momsh.. Kausapin mo na lang c partner mo
Morèna