pag usapan nyo po sa mahinahong paraan.. masmaiintindihan ka po niya kung vocal po kYo. but iwasan nyo po ang maging palasumbat.
halimbawa, instead po na sabihin na pautos o pamaktol na
"maghugas ka ng pinggan"
eh
"pwede mo hugasan ang pinggan?"
instead na,
"itapon mo ang kalat"
eh
"pwedeng pakitapon ng kalat?"
alin po ang masmainam pakinggan?
yung asawa ko po ganya din dati.. pero nakuha ko siya sa mahinahon na pakiusap.
OA sa iba, pero believe it or not, nag ooffer pa ako sa asawa ko kung gusto niya magpapunas ng towel bago matulog,.. kung gusto niya mag kape sa hapon,.. kung gusto niya magpamasahe...
nakakapagod sa una, kasi sa paningin ng iba para kang nagpapakaalipin sa asawa mo, pero tanda iyon ng willingness to serve, pagpapakita na mahal mo siya.. minsan ako pa nangangarinyo sa kanya.
dahil dun sa mga ipinakita ko sa asawa ko, iyun ang nagtulak sa kanya na magkaroon ng good changes..
kahit di ako humihingi ng tulong, nagkukusa siyang kumilos. minsan siya pa nag offer ng tulong at mas lalo pa siyang naging malambing..
lastly, dinadaan ko rin po sa dasal..
bigyan po ako ng karunungan lalo na sa time na sinusubok ang pasensya ko, nang sa ganun ay hindi Ko makapagsalita o makagawa ng bagay n pwede nming pag awayan o ikasama ng loob.
sana po makatulong sa inyo..
Magbasa pa