FAQ on SSS Maternity Benefit under the Expanded Maternity Law
Ang Expanded Maternity Law ay effective mula March 11, 2019
Meaning lahat ng nanganak ng March 11, 2019 pataas ay makakapag avail ng mas malaking benepisyo. Dati ay 60 days ang Normal Delivery at 78 days naman sa Ceasarean. Ngayon ay naging 105 days na ang Benefit Normal man o Ceasarean.
Regardless kung Employed/Voluntary/Self Employed/OFW o Non Working Spouse ay pwedeng magclaim ng SSS Maternity Benefit.
Kung nalaman mong buntis ka, magpasa ng SSS Maternity Notification o MAT1 sa SSS.
Dapat at least may 3 hulog ka sa loob ng isang tao bago ang semester ng iyong panganganak para ma-qualify sa SSS Maternity Benefit.
Pwede kang mag-apply ng Maternity Benefit kasal man, living in, o single mom ka.
Ang babaeng SSS member lamang ang pwedeng mag apply ng Maternity Benefit. Kung ang asawang lalaki ang miyembro ng SSS at ang asawang babae ay hindi, walang makukuhang maternity o paternity benefit.
Ang number of days ng benefit ay:
105 Days sa Normal o CS Delivery
60 days sa Miscarriage o Ectopic Pregnancy
120 days kung Single Parent
Wala nang limit kung ilang panganganak. Dati ay hanggang apat na pregnancy lamang
Obligado na sa bagong batas na ibigay ang differential salary sa empleyado. Kung 30k ang sahod mo kada buwan at kung ang nakuha mo lng sa SSS ay 16k as maximum as of now ay ibibigy nila ang kulang base sa iyong sahod
Ang Maternity ay isang Benepisyo mula sa SSS at hindi Loan. Libre itong ibibigay ng SSS basta qualified ka at nagsubmit ka ng required na dokumento.
Kung may kasalukuyang utang ka sa SSS ay hindi ibabawas ang iyong loan balance sa makukuha mong Maternity Benefits
May option kang itratransfer mo ang 7 days sa ama ng iyong anak (98 days lang babayadan sayo)
Kung nakapanganak ka na ay hindi mo na kailangang magpasa ng MAT1 (kung sa lying in o bahay ka nangaanak ay subject for investigation pa ng SSS)
Kailangan mong mag open ng Account sa SSS Accredited Bank para diretso na sa ATM idedeposit ang Maternity Benefit mo at hindi na cheke ang ibibigay.
Sa ngayon ang maximum na makukuha ay 70k since 20k na highest MSC sa katumbas na 2400 a month na contribution.
From SSS