Advice po pls

May family gathering sa side ng MIL at FIL ko, balak ko po sana na hindi na sumama since di ko rin po masyadong kaclose side ni hubby. Okay lang po ba na hindi ako sumama? Ayaw ko din po sana ma stress kasi buntis po ako. Di po kaya may masasabi sila kung hindi ako sasama?

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mi, pili ka lang kung ano talaga dahilan mo bakit di ka pupunta. A. di ka close sa family side ng hubby mo o B. dahil buntis ka. kung yung A, tanong ko lang, nung mag jowa ba kayo ni hubby mo di mo nakakausap o nakakasama family side niya? kasi since nagpakasal ka, dapat tanggap mo ng buong buo yung partner mo, hindi mo iisipin kung ka close mo o hindi para batiin mo o makipag kwentuhan ka. isipin mo yung relationship ninyo ni hubby mo. bago ka pa makilala ng hubby mo, nauna ung family niya. kung wala yung family niya, baka di kayo nagmeet. tsaka paano kapag anjan na si baby at gusto makita ng family ni hubby yung apo/pamangkin nila. At lastly, pag usapan niyo yan ni hubby, hindi mo pwede iwasan habang buhay yung pamilya ng asawa mo. parte sila ng buhay ng taong makakasama mo habang buhay.

Magbasa pa

I thing understandable naman yan. As an itrovert, ganyan ako. I get anxious sa mga social gatherings. Pero dahil married na tyo, may mga kailangan gatherings na dapat present tayo- pakikisama lang. Kakagaling ko lang sa 4 day trip with my hubby’s big and extroverted family. Imagine the stress and pressure! Pero dahil gusto ko naman huminga muna hindi nako pumunta sa another event na invited ako. Siguro hindi mo naman kailangan puntahan lahat, pero make sure na nagpapakita ka pa rin sa kanila para wala silang masabi. Enjoy mo lang, di mo naman sila kasama all the time.

Magbasa pa
2y ago

Yes mi sumasama naman po ako dati pa sa mga gatherings. Kaso ngayon nililimit ko muna sarili ko sa stress kasi buntis po ako. Same po tayo introvert din po ako kaya di po ako masyado sanay sa tao…

Okay lang kung ayaw mo, maliban na lang kung hindi okay sa asawa mo at in-laws. Kung hindi ka sasama at may masasabi sila, wala ka rin naman magagawa, choice po nila na pag-usapan kayo doon, at dahil wala kayo, hindi niyo rin po malalaman. Gawin niyo po ang nararapat para sa sarili niyo at sa baby, hindi niyo po kontrolado iisipin o sasabihin ng ibang tao.

Magbasa pa

Okay lang naman yun Mi, ako nga rin di nagpupunta sa gathering sa side ng hubby ko nitong napreggy ako. Si hubby ko na alng nagsasabi na ayaw nya rin ako papuntahin sa mgabgatherings dahil baka maexpose ako at makakuha pa ng ibang sakit.. at syempre stress din pag ganyang handaan.. :) valid naman po yan Sis. maiintindihan nila yun.

Magbasa pa
2y ago

Thank you sis 😇

Okay lang yan mii. Ako nga mii sobrang tagal na namin ng asawa ko, apat na anak namin at malalaki na yung tatlo. Dahil sa introvert talaga ako, hindi talaga ako palalabas ng bahay. Lahat ng gatherings nila dito man or out of town halos hindi ako pumupunta or sumasama. Ang ginagawa ko, mga anak ko na lang sasama or pupunta.

Magbasa pa

same mami. di ko rin close pamilya ng hubby. muslim kasi kami kaya never ko pa talaga nameet family niya before kami ikasal kaya talagang ilang ako sa pamilya niya. okay lang naman siguro di ka umattend sabihin mo nalang di maganda pakiramdam mo gusto mo nalang magstay ng bahay ninyo.

2y ago

Ako naman mi dati sumasama pa din ako sa mga gatherings pero nung nabuntis ulit ako, hindi na muna kasi nakunan ako dati dahil sa stress kaya gusto ko po muna ng peace of mind yung walang iniisip. Di ko rin po kasi masyado kaclose mga side ni hubby pero nakikisama po ako paminsan minsan

kahit naman pumunta ka or hnd may masasabi padin sila sayo sis 🤣 ganyan ugali ng mga feeling perfect inlaws 🤣🤣 kaya wag ka na pumunta sis. Mag rest ka nalang mas ok pa

2y ago

hahahah sa true lang, ako nga naimbyerna sa kanila, 2 years ako hndi nagpakita sa knila haahha

ok lang yan momsh lalo if di ka comfortable kasama sila. wag mo masyado isipin sasabihin ng side ni hubby. mas importante na at peace ka.

wag kana pumunta. may covid pa rin naman. bawal sa mga madadami tao. nag iingat lang naman kamo. kamo masama pakiramdam mo

That’s totally fine Mi, they’d understand. Always prioritize your peace of mind during pregnancy 🫶🏻