save
may expiration po ba ang diaper? 7mnths preg. po ako at gusto ko mag ipon ng diaper para Maka save Kami ng pera pagka tapos ko ma nganak PS: any saving tips? paki share po
pag newborn diaper po talga pero pag mga 3mons up po maganda po gumamit ng cloth diaper. mas makakamura and iwas pollution. nagbabalak din po kase ako mag cloth diaper...nag research na po ako sa ganyan. yung cloth diaper na bilhin nyo po is yung cover type....meron po kase isang kalse yung pocket type....yung cover type natatanggal po yung linings nya so pwede pa gamitin yung cover...pag pocket type hndi na po naaalis yung linings...laba na agad yung buong diaper. para sakin lang naman po mas tipid ang cover type kase kahit lampin lang pwede na gawing lining. and isa pa maganda sa cloth diaper is cute yung mga designs hehe
Magbasa paMay nakalagay po sa packaging na expiration mamsh, ako din nag iipon na ng diaper lalo na kapag may sale pero mas ok wag ka muna bumili madami now lalo na pag d pa nalabas si baby kasi baka masayang ung mga binili mo pag hndi sya nahiyang.
Ang sabi wala daw expiration date but I want my newborn to use new ones. Pag 3 months and up, mag-cloth diaper na kayo. Pag kakapanganak pa lang, disposable muna dahil palaging dumudumi ang newborn.
Kapag may discoloration na yung diapers hindi na pwedeng gamitin yun. As long as hindi pa naman nabubuksan okay lang magstock. Pero mabilis kasi lumaki si baby, baka masayang.
madali lang bumili ng diaper mommy, magcanvas ka lang tapos bili ka pag bandang 8mos kana, pero ok rin ung washable diaper cloth or lampin. yun narin naman po uso π
kung gusto nio po mag invest na lng po kayo sa diaper cloths mas matagal and no expiration date po yun syaka mas malaki ang tipid nio dun
see labelnpo