39weeks closed cervix

Exact 39weeks na ko today close cervix at mataas pa rin daw si baby :( depressed na talaga ako tapos ECQ pa di makapunta sa hospital na pag aanakan ko mismo puro teleconsult lang ginagawa saken kaya sa clinic lang dito malapit samen ako nagpaIE :( bukod po sa primerose, pineapple at squats may other way pa kaya para magtuloy tuloy open ng cervix ko? Ayoko maoverdue at maCS 😭😭😭 #pleasehelp #FTM

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello po nanganak na po ako 39weeks and 5days via induced labor kasi nastock ako ng 2cm. nagpaadmit na po ako sa ospital na pagaanakan ko po nilagyan nila ako ng 4pcs primrose every 4hours dun ako magdilate gang 5cm until pumutok panubigan ko.. 6hours labor bago ako nagfully 10cm 😅😅 sobrang sakit mamshies ng mainduced pero worth it nung nakita ko si baby girl ko 3.2kg

Magbasa pa
3y ago

nung nainduced ako mamsh totally wala pa kong hilab 1cm palang ako nun nagstart lang magdilate cervix ko nung naglagay na sila ng primrise tapos sa swero ko naman ng pampanipis ng kwelyo ng matres at pampahilab medyo matagal at masakit nga lang talaga. aug 7 ako start naadmit then aug 10 ako nanganak. ThankGod normal delivery naman po ako and worth it lahat ng sakit hehe.

VIP Member

Nuod po kayo videos po para makapag induced daw po ng labor. Try nyo po maglakad lakad or mag yoga po. search search na po kayo para ma normal nyo po. ingat po at sana makaraos na kayo.

pacheck up po kayo..ako mataas pa din si baby un pala nakasakal ng dalawang ikot ang pusod nea sa leeg nea kaya hnd xa bumababa..hanggang na stress nakapoop xa sa loob

3y ago

xa nga pala..nanganak ako ng 10:30 pero 4am pa lang 4cm na ako..nag decide na lang xa basta basta na CS..nag request ako ng ultrasound pero hnd nea ako pinagbgyan..nalaman ko na lang na nakapulupot na ang pusod nea nung inilabas..

VIP Member

nanganak kanaba mommy