Hopeful Momma

Hi everyone! Gusto ko lang bawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Last year November, I had miscarriage. Buntis ako ng hindi ko alam. Nasanay kasi ako na irregular ang mens ko since I have PCOS. December my mom passed away. Akala ko yun na yung taon na sobrang sakit para sa amin. This year January, nag-spotting ako. Ever since ma-raspa ako nung November hindi pa ako nag-mens ulit. So my husband and I decided to check if pregnant ulit ako. January 13 bumili kami PT and positive ang result. Dumeretso na kami ng check up dahil may spotting nga ako. Since then, bed rest lang ako and take na ng pampakapit. Happy naman ako sa pregnancy kahit naka-bed rest ako. Kain ng masustansya at alaga kami ni husband at buong family. Not until last week April 26, nakaramdam ako ng sakit sa balakang. Before that, okay naman ang pakiramdam ko at masaya. Walang kahit anong paramdam na may mangyayari pala. Pumutok ang panubigan ko at doon na nag-start ang lungkot at sakit physically. Na-ultrasound ako April 27 pa at wala na heartbeat si baby. Wala na ako paglagyan ng lungkot at luha. Going 5mos na si baby and ganon ang nangyari. Inalagaan at minahal namin siya sobra. Kaya ang sakit lang. Magkasunod pa. 🥺😭 Naranasan ko din mag-labor at manganak. Kaibahan lang wala na akong inasahang buhay na baby na lalabas. We are still hoping na magka baby pa din. Alam ko may dahilan ito. Sa mga mommies na waiting at same case sa akin, laban tayo. Darating din ang time para sa atin. Magpalakas at magpahealthy pa tayo. 🙏💚💚💚

31 Replies

Baliktad naman po tayo, ayaw ko na po mag anak kahit anong pag-iingat ko talagang binibigay pa din ni Lord, currently 7 months pregnant po ako pang 5th child ko na po. In Gods perfect time bibigay din sayo ni Lord yan. Have faith and wait patiently. God bless ♥️

masaya ang marami mami hanggat kaya. 🙂🙏

sobrang sakit po tlga nan...i feel you momsh...still recovering pa dn ako,emotionally..nmiscarriage dn ako and mg 2mons.plng...nglabor dn ako at sabi ko nun sa mother ko sana nanganak na nga lng ako,.pra worth it lht ng sakit na nararamdaman ko😭

pray lang tayo lagi mami at pakatatag ❤️🙏

Hugs po mii❤️ dasal lang po palagi.. Time will heal🙏 at the right time.. In God's perfect time.. Ibabalik niya sa inyo si baby.. Isang malusog na baby ang ibibigay niya po sa inyo.. Tiwala lang po kay God❤️

Amen mami. praying and hoping na dumating ang time namin magkaron. ❤️🙏

paka tatag lang tau sis my dahilan si god kung bkit kaya ako nag dadasal ako na maging maayos ang pag bubuntis ko mag tiwala kalamg sa itaas dinya tau pababayaan ingat ka lagi sis and godbless😇😇🙏❤

Stay strong po 🥹 sana mabasa to ng mga gustong mag pa abort. Yung tipong gusto lang ng kasiyahan, pero pag nakabuo na ayaw panindigan. Sana mabasa nila to kung gaano kahirap mawalan ng anak.

totoo mami. sana naiisip nila na marami tayong gusto ng anak. ❤️🙏

Hugs sis. Masakit talaga mawalan. 😞 Bibigay din sainyo yan in God’s time. Pray lang ng pray sis. Nalaman ba sis reason bakit nag early labor ka? Ano daw nangyare?

hindi po sinabi e. pero si baby maliit para sa age niya

sending hugs sis napaka hirap ng sitwasyon mo pray lang sis bibigyan ka din ng lord ng para sayo at lagi pa din tayong mag tiwala sa plano ng lord para saten❤...

salamat po ❤️❤️

VIP Member

Hugs mommy. Praying for your healing and your baby’s soul. 🙏 You are very strong.. kayang kaya mo yan.

kaya nga po sis..🙏🏻🙏🏻 SALAMAT

kapit lang mommy, may i know mommy kung pampakapit at mga vitamins pinainom sayo? hindi ka po ba inaie ng OB mo?

duphaston po una ko tinake pampakapit. nung march po pinalitan progesterone na iniinsert po sa pwerta. sa vits po, hemarate, obimin and calcium po.

magpakatatag ka sis.mahirap at masakit man ang pinagdadaanan mo pero never kang tatalikuran ni Lord.🙏

yes po. siya lang ang may alam ng lahat. 🙏❤️

Trending na Tanong