17 Replies

Kung mataas po talaga dugo nyo at consistent na mataas wag nyo po pilitin mag normal delikado po yung pre eclampsia during labor hanggang manganak, normal kasi na tumataas ang dugo gawa ng labor kaya bago dapat mag labor normal lang ang BP. Nakakamatay din po yung ma highblood ka habang nanganganak. Let's say nakaya ang normal pero after mo manganak possible ka magka Post eclampsia naman ganun po nangyare sa ate ko (normal delivery sya) ayun naka maintenance na kahit 30s pa lang. Wag po kayo matakot sa CS, matakot kayo na mawalan ng mommy ang baby mo.

okay naman po sila ngayon (9 months postpartum). Premature ang baby medyo tumagal sya sa hospital sa ate ko naman po madalas syang nahihilo gawa ng Mataas ang BP nya at nag maintenance na po sya ngayon ng pang highblood pati low carbs na din kasi bawal na talaga. Atsaka masakit din po kasi yan sa ulo. nasa lahi po namin ung HB kaya alam ko din yung feeling pero di po ako nagka preeclampsia or post eclampsia.

Mas better na magpacs kana momsh agad yung kasabayan ko pong buntis hb din sya nacs sya nung 7months palang tiyan nya kaso hindi kinaya ng katawan nya yung operation pero yung baby nya ok naman ngayon matagal na pala syang hb kaya ganun. kaya po kailangan maagapan agad kaya mas better na magpacs nalang din kayo mo kesa ipilit na inormal. ako pag may nalamang komplikasyon magpapacs agad agad ok ng mahirapan ako sa cs wag lang yung baby ko gagaling nmn yung tahi ayokong itake ng risk yung baby ko.

Based on my experience po di maganda ang high blood pag manganganak. Better paCS ka na momsh wag na mag take ng risk for normal delivery. On my 38week of pregnancy naghb ako then at 40week nanganak ako via normal delivery kahit high blood, may gamot lang na ininject to control my BP. Nailabas ko naman ng normal si baby kaso since hb ako nun ayun ang ending nagkapreeclampsia ako. At 24days nawala si baby kasi nagkaron ng complications yung paglabas nya ng hb ako.

Wow! Congratz! God is good!

1st baby ko pre-eclampsia ako.. tumaas lng bp ko sa mismong nag labor na ako..umabot ng 200+ ang bp ko. madaming gamot sinaksak sa dextrose ko para lng bumaba bp ko.. na paralyze ang dalawang paa ko dahil sa pag taas ng bp ko.. pero pinilit ko manormal si baby.. pag labas nya bumaba din ang bp ko at nagalaw ko na ulit ng dahan2 mga paa ko.. nong pag labas ni baby sabi lng nila skin wag ko ipipikit mata ko. wag ako matulog.. 10 yo na sya ngayon.. 😊

Hi momsh sa tingin ko kung Pre-eclamptic ka at si OB mo na mismo nagsabi sayo na dapat mag pa CS ka.. Ganon nalang talaga.. Mas tataas kasi BP mo pag nag labor ka pa at pag ngyari yun nasa panganib kayo ng baby mo.. Dun ka na sa alam mo na safe kayo both ni baby.. At mag pray ka palagi🙏 Kaya mo yan mii.. Dapat nga ngayon palang mapag isipan mo ng magpa sched CS nalang talaga..

first baby ko 34weeks emergency CS Kasi tumataas na Ang dugo ko,inobserve muna ako kpag tumataas dugo ko stable heart beat ni baby pero kapag normal Ang dugo ko siya naman pababa Ang heart beat Kaya emergency CS, second baby 38 weeks nun inaadmit na ako for schedule CS biglang HB den sa 3rd baby ko nun 35 weeks HB ulit binigyan ako gamot until umabot ako Ng 38 weeks para s schedule CS

okey naman po 8 years old na siya

Na emergency cs ako khit 38weeks plang ako nun dahil HB at di tlga bumababa. Kya nagdecide kmi na mgpa cs na pra iwas pre eclampsia pero 2weeks baby ko na confine dahil my prenatal pneumonia at may tinurok din saken bago ako manganak para daw sa HB. Sa awa ng Diyos, okay naman kami mag ina. 2yrs na now 1st born ko ☺️

VIP Member

Ung friend ko po, nawala baby nya dahil sa preeclampsia. Wag po kayo matakot sa CS, di naman po un nakakatakot. Isipin nyo na lang po ung baby nyo. Cs po ako and after a week okay na at patuyo na ung tahi. Masakit lang pag nawala na ung effect ng anesthesia pero kaya naman po.

TapFluencer

Sabi ng midwife mi tumataas pa daw yan lalo na pag nasa 8-9th month na😭 sana maagapan pa para makapag normal. Nasa boundary kasi ako EDD ko sept 25 tapos wala pang OB and ultra dito sobrang layo pa kaya worried ako sa status ko

Ano ginawa mo mi? Okay na bp mo? Monitor talaga daw kasi e

TapFluencer

sa 1st pregnancy ko naman, whole months normal ung blood pressure ko pero nong gabing naglalabor na ako nagka high blood ako hanggang 1 week ata after delivery. pero may pinainom sila sakin na gamot pampababa ng bp

Actually bumababa na BP ko. Kanina nag123/96 nako

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles