Help me!

Enlighten me mga momsh! Diko maintidihan nararamdaman ko. Feeling ko walang nakakaintindi sakin tsaka simpleng bagay parang ang bilis ko masaktan at mairita. Bagong panganak po ako at ayokong iwan baby ko kaso nilalamon ako ng nararamdaman ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mukhang may PPD ka o post partum depression. need mo support ng family mo and close friends. need mo makipagusap at iopen nararamdaman mo. hanap ka ng katulong para pagalaga. pwede ka din maghanap ng therapists o doctor para maasess ka.

4y ago

Kasama ko magulang ko tsaka LIP ko ngayon kaso parang walang akong katuwang magalaga sa anak ko.Lalo na yung LIP ko alam niya naman na bawal pa ako magkikilos pero parang walang pagkukusa yung tipong iutos ko ngayon hanggang bukas hindi magagawa kagaya aa feeding bottle alam niya naman na nasasaktan ako kapag sakin mismo dumede LO ko kaya nagpapump ako minsan kaso kung hindi ko pa iutos na hugasan hindi niya gagawin kahit nga iutos ko inaabot pa ng umaga. Nakakainis lang kapag yung babaeng parang inaakit siya nandito todo pakitang gilas. Haist! Selos po ba nararamdaman ko? Tapos sa pagaalaga kay baby ako napupuyat ng ilang araw tapos nakikiusap ako na wag niya ko gigisingin ng hapon kasi babawin ako ng tulog kaso panay gising niya sakin kahit hindi naman umiiyak si baby pero kapag ako iniisip ko siya na matulog muna sa madaling araw habang gising pako para hindi siya mapuyat. Bakit kapag ako parang hindi niya iniisip?