MASAKIT PERO MASARAP

EDD via LMP Nov. 29, 20 EDD via UTZ (1st) Nov. 25,20 EDD via UTZ (2nd) Nov. 27,20 DOB Nov. 29,20 NSD (induce labor) 3.1kls Share ko lang po experience ko bilang naka induce labor ako. Nov. 28 check up ko, pero dala ko na mga gamit namin ni baby kase, naka sched. din talaga akong e'induce labor that day pag d pa ako nanganak. So check up, i.e 1-2 cm open cervix narin daw. kaya in advice din ako na kumain nlng ng lunch tapos pa admit na. pero need ko pa magpa ultrasound kase titignan heartbeat saka tubig kung okay. Kaso hapon na din dumating un mag uultrasound, kaya natagalan. Mga 3pm okay na naka admit nako sa labor room. Kasooo, natagalan bago ako naglabor kase, naman barado un swero ko d tumutulo napansin ko 3am na ng Nov. 29. Then nga 4am ayun na nakaramdam nako ng active labor, 3-5mins agad interval nya. nasa Ward ako that time katabi ko oa sa bed LIP ko tapos 6am baba naman ako sa Labor room for check up, heartbeat, BP, i.e. tapos nalaman ko un kasabayan kong induce labor din. nanganak na. Like wow ang bilis. Fast forward, mga 11am nag start ako makaramdam ng sobrang sakit hnd sa tyan mismo kundi sa may bandang baba ng pusod gang puson. tuwing pagtapos ko kumain lalong sumasakit kaya ayaw ko na kumain. 12nn nasa baba ulit ako sobrang namimilipit nako sa sakit, sabi ko sa nurse maam lalabas napo ata baby ko, i.e ako tapos sobrang dismaya ko na naiyak pa ako kase 2cm parin daw. Tapos mga 2pm i.e ulit ako 3cm kaya lumakas na nmn ako, Tapos akyat ulit kami sa ward, pagsumasakit tyan ko nag s'squat ako tapos as in un squat na parang nakaupo na. Tapos, natatae ako, pero ayaw ko tumae kase natatakot ako. tas biglang pinatawag nako sa baba ulit checheck daw u. frequency, un oarang may tinali sa tyan ko tas may pipindutin pag gumalaw si baby, Sa sobrang ingay nun machine sumasabay un puson ko at taeng tae nako, kaya napapaire ako kaya humihina heartbeat ni baby i e ulit ako at 5cm na daw ako. mga 4 pinalipat nako sa delivery room at kita nadaw nilang sakit na sakit na ako. Ire ako ng ire doon tuwing hihilab tyan ko siguro mga 10-15 mins din ata un, tapos sakto pumasok un midwife sabi ko, maam baka matae po ako, nag inform ako kase wala pang sapin sa may pwetan ko. tapos ayun nilagyan i.e bilang un midwife drom 1cm at talagang sobrang saya ko nung hnd sya huminto sa 5 or 6 nagtuloy tuloy sya gang 10 at pinutok na nya panubigan ko. At dahil #ftm ako d ko alam pano tamang pag ire kaya medyo natagalan ng ilan minuto lang nmn. at ilang push din hahaha. 4:35pm lumabas na baby boy ko. Walang katumbas na saya yung naramdaman ko nung pinatong sya sa tiyan ko at nahawakan ko sya. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜ญThank you Lord nalang nabanggit ko paulit ulit ๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡ ##firstbaby #1stimemom #theasianparentph

MASAKIT PERO MASARAP
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakatuwa naman mommy. Yan din kinakatakot ko, yung makakaramdam ng pagtatae. Hahaha! Congratulations po sainyo and Godbless sainyo ni baby๐Ÿฅฐ๐Ÿ™

Super Mum

Congratulations and welcome to your bundle of joy! ๐Ÿ’•

congrats po, magkabirthday kami๐Ÿ˜Š๐Ÿ’•

Ano po yung induce at bakit po induce labor..

hello baby๐Ÿค— congrats mommy๐Ÿฅฐ๐Ÿ˜˜

congrats po mommy ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰

nkaraos na sya congrats mommy

Congrats momsh๐Ÿ˜๐Ÿ˜

VIP Member

congrats mommyโค๏ธ

Congrats po mommy ๐Ÿค—