Our Little Angel Love ❤

EDD: September 8, 2020 DOB: September 1, 2020 Weight: 2.4kls Hi mga mommies! Sharing my birthing story. 😊 Sabi ni OB nung 37 weeks na ko nakatingala pa daw si baby, around 2.88kls na daw si baby nun saktong timbang para sa normal delivery. Nag reseta na siya ng primrose pero hindi pa niya ko ini-e and inadvise na niya ako na maglakad lakad na para mabilis manganak, then ang balik ko na sa kanya is before my due date (August 31). August 31, pagbalik ko kay OB upon taking primrose ng 2x a day ganun pa din nakatingala pa din si baby. Cephalic position na siya pero parang nakasiksik siya sa right side ng puson ko kaya hindi pa daw ako naglalabor. Hindi pa rin niya ako ini-e, around 2.9kls lang daw si baby so okay pa siya inormal. Ang ikinatakot ko lang is baka hindi magbago si baby, na nakatingala pa din siya tapos lumagpas na ko sa due date ko though ang sabi naman ni OB, pag lumagpas naman na daw ng 40 weeks tsaka daw siya nag CCS. Ginawa na niyang 3x a day ang primrose ko then sipagan ko pa daw maglakad. Kaya the afternoon after ko magpacheck up, niyaya ko na si hubby karirin ang paglalakad. 😆 Sakto naman, madaming palusong dito sa lugar namin so sabi ko sa kanya umikot kami 3 times para talagang tagtag haha. The night of August 31, habang natutulog kami nakakaramdam na ko ng slight pain pero super slight lang kaya nakatulog pa ko, akala ko wala lang. September 1, morning nakaramdam na ko ng dysmenorrhea levels na pain pero tolerable pa naman at nawawala wala pa. Then meron na din konting blood stain sa underwear ko. Sinabi ko na yun kay hubby and nagtext na ko sa mother ko na nasa work, since andito kami sa kanila ngayon dahil plano ko talaga dito ako manganganak. I also texted my OB and she said early labor stage na daw yun and iupdate ko daw siya pag hindi na nawawala yung pain. Sakto naman, September 1 din ang start ng maternity leave ko pero may mga need pa ko i-endorse sa sasalo ng work ko, so nag endorse pa ko via viber call at emails pa kahit nasa early labor na ko. 😅 After mag endorse, naligo pa ko since naisip ko baka manganak na ko hindi na ko makaligo haha. Around 4pm, nung maramdaman ko na nag intense na yung pain and around 1min duration with 4mins interval na siya. I called my mother, since hindi siya nakareply sakin nung morning then sabi niya sige pauwi na sila ng father ko. I also texted my OB, she called then sabi niya sige daw magpunta na ko sa hospital. So dahil prepared na naman ang mga gamit ko at gamit ni baby, chill lang kami while waiting for my parents to arrive. Si hubby nagwowork pa, since pareho kaming naka work from home and hindi siya nagpapanic kasi everytime na tinatanong niya ko, ang sagot ko is "kaya ko pa naman". Shorcut, dumating na parents ko nagmamadaling magbihis si mama kasi pupunta na nga kami ng hospital tapos after niya pinaligo ko na si hubby, nakapagbihis pa ko kahit sabi ng mama ko wag na ko magbihis, then punta na kami hospital. Funny pa kasi nagpagasolina pa si papa ng tricycle niya, tinanong nila ko kung sobrang sakit na sabi ko okay lang kaya ko pa. 😆😅 Pagdating namin ng hospital, need pa ko irapid test and hihintayin pa ang result bago ko iadmit. So meron silang parang tent na nakaset-up at dun ako ini-e, ang sakit pala nun. 😆 Pagka-IE sakin, hindi na ko kinausap nung doctor and agad niya tinawagan yung OB ko na papunta palang. Sabi niya "Doc, 8-9cm na to BOW intact" ako nalang kumausap sa doctor nag ask ako kung ano yung BOW, bag of water pala haha. Then ayun, nataranta na sila kasi paanak na pala ako, after ko ma-IE dun ko naramdaman na parang hindi ko na kaya and ang sarap na umire. Kaya sinabi ko dun sa isang nurse na hindi ko na kaya, palabas na ata si baby. Sabi niya ay wag ka muna umire, kasi need pa yung result ng rapid test at wala pa yung OB ko. Kaya ang ginawa nila pinatulog nila ako. Sinabihan pa niya ko ng ang galing ko daw, natiis ko daw yung 8-9cm. 😅 After ko patulugin, wala na ko maalala. Nagising nalang ako nanganak na pala ako, ang una kong ginawa ay hawakan ang tummy ko at nung maramdaman ko na bakit parang maliit na, tinanong ko yung nurse kung nanganak na ba ako HAHAHA 😅 Natawa yung nurse, pero sabi niya oo tapos pinakita niya sakin yung baby ko. Hindi ko man narinig yung first cry ni baby at hindi ko man naramdaman na ihiga siya sa dibdib ko paglabas niya. Kakaiba pa rin yung happiness nung una ko siyang makita, super saya! ❤ Thank you kay baby kasi hindi niya ako pinahirapan na ilabas siya, unexpected pa kasi akala ko 2.9kls siya paglabas pero 2.4kls lang pala, ang liit niya tuloy. 😅 Sorry ang haba pero thank you for reading! ❤ Everyone, meet our little angel love, Claire Mauve 💜 #firstbaby #1stimemom

73 Replies

now ko lang din nakabasa ng normal delivery tas tulog ka pano kapo kaya nila pinaire kung tulog kapo !? 😊😊 btw congrats po 😇😇🤱🤱 37weeks 5days nako puro pain na den ako ngayon pero ko discharge at all kase pang CS ang case ko .. still waiting kkay OB kung pede nako operahan sana makaraos na den kame 😌😌

Parang diniinan nalang ata ang tiyan ko nun mommy, since palabas naman na talaga si baby pinigilan lang.. Malapit na po yan, praying for your safe delivery! 🙏😊

VIP Member

Sis bakit hindi mo naramdaman manganak? Nong pinatulog ka nila, pwedi ilabas ung bata kahit na tulog ka sis? Meron palang ganyan pwedi patulugin pero pwedi rin ilabas ang bata na di kana umiiri. Sana ganyan din ako sis. Ano tawag diyan sis yung patutulugin ka lang nila tas sila na ang maglalabas ng bata?

Sis pwedi ba un sabihin sa magpapaanak saakin na painless sabihin ko lang?

Pwede pala Yun. Tulog ka manganak tapos normal. Kakaiba experience mo momshie. Yung iba 3 hrs labor, may 2 hrs lang. Ikaw tulog. Ikaw na momshie ang nanalo. Congrats!!!

39 weeks din ako mommy at sbi ng ob ko nakatingala din daw c baby. sna maging ok din ang lahat makaya ko din i normal c baby.🙏🙏

congrats mommy

wow congrats mommy. painless din ako sa panganay ko pero gising daw ako nun sabi ng ob ko.akala ko lang daw na tulog ako.

ako po pinatulog talaga eh, kasi palabas na si baby. tinry nila pigilan muna..

ako 2days ako naglabor sa baby ko. 40 weeks and 6days ako nun. congrats sating mga nakaraos na. ❤️❤️

Congrats mommy! Same tayo akala ko 3kls na baby ko pero nung lumabas 2.3kls lang haha! God bless mommy

yehay! congrats mommy! Sana mabilis Lang din ako manganak ♥️

VIP Member

ang galing naman mommy hindi ka nahirapan umiri 🥰

congrats mommy, paano po yun normal delivery pero tulog po ka po?

opo, pinatulog po ako kasi pinigilan nila na maire ko na si baby kasi wala pa si OB ko tapos need pa yung result ng rapid test 😅

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles