BABY Out 39 Weeks
EDD: Nov 16 DOB: Nov 9 Normal Delivery Baby Boy Just wanna share my experience sobrang thankful ako hindi kasagsagan ng bagyo sya lumabas kundi wala kaming madadaanan papuntang Lying in or Hospital. November 9, 2020 at 5am nakaramdam nako ng paghilab ng tyan then mawawala at babalik ulit sakto sched ko rin for follow up check-up pagcheck nila ng cervix ko nasa 3cm palang kaya pinauwi na muna ako. Nung nakauwi na kami habang tumatagal lumalala yung sakit ng paghilab kaya tumawag agad ako sa clinic after lunch na babalik nako kasi di ko na kinakaya yung sakit and pagcheck ulit nila 3cm parin ako kaya nagrequest sila na magpa urinalysis test ulit ako at baka mataas daw ang UTI ko. Nagpunta kami sa 1 laboratory close na sila lipat na naman kami sa ibang laboratory close na rin sila (kasi 3:30pm narin nun) and last namin pinuntahan is hospital na sa wakas open pa naman sila for urinalysis test at nung magbabayad nako sa cashier nagulat ako parang may biglang bumulwak na tubig sakin nagpunta agad ako ng CR pagcheck ko pumutok na panubigan ko na may kasamang poop ni baby. Medyo nagpanic nako kaya bumalik agad kami sa Lying in. Naiyak ako sa midwife nung sabi ko nagpoop na si baby at ppwede raw akong ma CS pag dinala ko sa hospital. Then may choice pa nag ask sya kung okay lang na dun nako manganak sa clinic at tatawag na sila ng Doctor para paanakin ako Oo na agad sagot ko basta mailabas ko lang si baby haha. Ayun nainduce labor ako mga past 4pm narin patindi ng patindi yung hilab panay tanong ko na "ganto po ba talaga yung sakit", "Anong oras po ako manganganak" at naghahanap ako ng makakapitan kung san san hahaha at sobrang dasal ko talaga na maging safe si baby. Kaya at 8:10pm nailabas ko rin si Baby kaso na cut ako 3rd degree haha at akala ko may anesthesia kapag normal delivery wala pala sa tahi lang meron ππPero sobrang worth it lahat ng sakit nung nakita at nahawakan ko sya. β€οΈβ€οΈ #firstbaby #1stimemom #theasianparentph #blessed