Sino po mga public school teacher dito? ilang days po dpat magfile for maternity leave?

Edd ko is October 13. Gusto ko po sana magleave sa last week ng september. Pwed po b ung leave without pay bago manganak, para di ko pa po magamit ung maternity leave ko.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung public school teacher po kayo or any govt employee, huwag na huwag po kayong mag-leave without pay dahil considered ito as cut in service, at maaapektuhan pa ang mga benepisyo nyo such as retirement benefits in the future. Pwede po magfile ng maternity leave upto 45 days before EDD. Huwag na po kayong mag-LWOP. Pwede rin po kayo magfile ng Extended Maternity Leave na 30 calendar days after your 105 Maternity Leave. Kahit wala kayong earned leaves, pwede gamitin. No Pay pero hindi considered as cut in service. I'm not a public school teacher but also a govt employee. The Extended Maternity Leave is based on RA 11210 or Expanded Maternity Leave IRR by the CSC and DOLE. As per CSC, the 30-day extension need not be for medical purpose but for any reason.

Magbasa pa
6mo ago

kht po 2 weeks n LWOP considered cut in service n po ba? so klangan po pumasok sa work until manganak po? gusto ko po sana magpahinga at magprepare sa panganganak kc mnsan di po maiwasan ung stress sa work nmin as teachers. stress sa students and minsan pa kht head teacher nmin wlng consideration, alm n nga sitwasyon ko ako pa madalas nyang utusan ng kung ano2. balak ko nga po sana noon magstart nko magleave Ng august pero iniisip ko lng n Bka wla p Silang mkuha na magsubstitute skn, kwawa mga kasamahan ko paghahatian nla teaching loads ko.

mat leave na po muna kayo, tapos additional na leave no pay nlang after kung kailangan pa din