FTM My Birth Story

EDD June 5, 2020 DOB June 6, 2020 3.9kgs Via NSD Very inspiring magbasa ng birth story especially pag malapit na ang due date mo. So here's mine 6 am maglalakad sana ako pero bago ako lumabas ng pinto I felt a sudden gush of water. I knew my water broke kasi sabi nila aagos daw un sa legs and basa na rin ung sahig. Nakaready na lahat ng gamit namin ni baby pero bago ako lumabas ng bahay pinainum ako ni mama ng 3 raw eggs para daw mabilis manganak and ilulusot sa loob ng damit at hahayaan bumagsak sa sahig. Guess what di sya epektib for me pero ang maganda dito hindi ako nagutom during my 20 hr stay sa labor room. Pag dating sa ospital 5cm na ako at inadmit na. May kasabay akong teenager sa labor room at ang bilis lang ng labor nya. Nakakapressure kapag ung iba nanganak na at ako wala parin pain na nararamdaman. After few hrs at 3pm na walang devt stuck sa 5cm and no pain inadvise na ng ob na iCS na daw ako since si baby mataas pa hindi pa nagengage, pumutok na panubigan at sa liit kong babae napakalaki daw ng tiyan ko pangkambal na. Ninerbyos ako at sa sobrang nerbyos dugo ko na ung dumaloy sa dextrose. Pinaglaban ko pa na maliit lng si baby. At dahil hindi kami high risk sabi ko ill try inormal unless risky na talaga. Bawal ang cp sa labor room bcos of sop at wala akong guardian sa LR pero pinilit ko ung nurse na pakuha sa labas ung phone ko at kailangan kong kausapin asawa ko re CS. Hindi pala ako ready kahit na dati lagi ko cnasabi na basta ligtas kami ni baby ok lang maCS. Marami akong tinawagan inc yung midwife sa lying in. Sabi nya tumuwad daw ako ng mga ilang oras para umangat ang tubig at bumaba si baby pero sabi nya sundin parin ang ob. Nagtutuwad ako sa labor room pero wala parin at bawal maglakad lakad kasi nakamonitor na heartbeat ni baby. Humiga nalang ako sa kama at nagdasal. 8pm pinainom kami ng tubig at biscuit pero pagbangon ko may biglang pumutik sa balakang ko at naramdaman ko yung biglang hilab ng tiyan ko. Naging regular ang interval nya at sobrang pasalamat ko na active labor na ako. Sabi ko kahit sobrang sakit basta normal. Eventually naging unbearable na ung sakit na parang maghihiwalay yung balakang ko grabe parang papayag na ko magpaCS sa sakit. Pinagppray ko talaga na bigyan ako ni Lord ng sapat na lakas kasi nakakapanghina masabihan na hindi mo kaya inormal yung baby mo dahil sa liit kong babae(4'11 lang ako). Sinabihan pa ako na bakit ko daw pinalaki si baby sa loob at kung nagpaCS ako hindi na ako nahirapan. Lalaki lang daw ang bill dahil naglabor pa ko eh iCS din naman ako eventually. Pinanghawakan ko ung verse na I can do all things through Christ who gives me strength and naniniwala ako na women are made to bear this kind of pain kaya sige kaya ko to. Nabasa ko dito na para mabilis lumabas si baby every hilab ire and from 8pm to 6am ganon lang ginagawa ko. So 10 hours yung battle ko and pag 6:48 lumabas na si baby. Tuwang tuwa ako nang marinig yung unang iyak nya. Sa totoo lang ako yung masasabi mong pasaway na buntis pero di kasi ako basta basta naniniwala sa sabi sabi. -Hanggang 9 mons nag momotor kami. Dinala ako sa hospital gamit ang motor -Palagi din ako nainom ng malamig madalas may yelo pa sa sobrang init -Naliligo din ako sa gabi minsan hating gabi o madaling araw na -Nakain din ako ng talong xD -Di rin ako palainom ng vits unless folic kasi need talaga natin yun -Napupuyat din ako palagi di dahil gusto ko pero nahihirapan ako matulog sa gabi -Nakabukaka din ako umupo kahit sabi ni la lalaki ung ulo. Di naman totoo. -Nung 37 weeks lang ako nagstart maglakad lakad.

FTM My Birth Story
61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mumsh!! Ang cute and big ni baby haha currently on my 37th week and 5th day. FTM here haha relate ako sa pagiging pasaway! And yes push for normal basta pray hard lang 💕