βœ•

FTM My Birth Story

EDD June 5, 2020 DOB June 6, 2020 3.9kgs Via NSD Very inspiring magbasa ng birth story especially pag malapit na ang due date mo. So here's mine 6 am maglalakad sana ako pero bago ako lumabas ng pinto I felt a sudden gush of water. I knew my water broke kasi sabi nila aagos daw un sa legs and basa na rin ung sahig. Nakaready na lahat ng gamit namin ni baby pero bago ako lumabas ng bahay pinainum ako ni mama ng 3 raw eggs para daw mabilis manganak and ilulusot sa loob ng damit at hahayaan bumagsak sa sahig. Guess what di sya epektib for me pero ang maganda dito hindi ako nagutom during my 20 hr stay sa labor room. Pag dating sa ospital 5cm na ako at inadmit na. May kasabay akong teenager sa labor room at ang bilis lang ng labor nya. Nakakapressure kapag ung iba nanganak na at ako wala parin pain na nararamdaman. After few hrs at 3pm na walang devt stuck sa 5cm and no pain inadvise na ng ob na iCS na daw ako since si baby mataas pa hindi pa nagengage, pumutok na panubigan at sa liit kong babae napakalaki daw ng tiyan ko pangkambal na. Ninerbyos ako at sa sobrang nerbyos dugo ko na ung dumaloy sa dextrose. Pinaglaban ko pa na maliit lng si baby. At dahil hindi kami high risk sabi ko ill try inormal unless risky na talaga. Bawal ang cp sa labor room bcos of sop at wala akong guardian sa LR pero pinilit ko ung nurse na pakuha sa labas ung phone ko at kailangan kong kausapin asawa ko re CS. Hindi pala ako ready kahit na dati lagi ko cnasabi na basta ligtas kami ni baby ok lang maCS. Marami akong tinawagan inc yung midwife sa lying in. Sabi nya tumuwad daw ako ng mga ilang oras para umangat ang tubig at bumaba si baby pero sabi nya sundin parin ang ob. Nagtutuwad ako sa labor room pero wala parin at bawal maglakad lakad kasi nakamonitor na heartbeat ni baby. Humiga nalang ako sa kama at nagdasal. 8pm pinainom kami ng tubig at biscuit pero pagbangon ko may biglang pumutik sa balakang ko at naramdaman ko yung biglang hilab ng tiyan ko. Naging regular ang interval nya at sobrang pasalamat ko na active labor na ako. Sabi ko kahit sobrang sakit basta normal. Eventually naging unbearable na ung sakit na parang maghihiwalay yung balakang ko grabe parang papayag na ko magpaCS sa sakit. Pinagppray ko talaga na bigyan ako ni Lord ng sapat na lakas kasi nakakapanghina masabihan na hindi mo kaya inormal yung baby mo dahil sa liit kong babae(4'11 lang ako). Sinabihan pa ako na bakit ko daw pinalaki si baby sa loob at kung nagpaCS ako hindi na ako nahirapan. Lalaki lang daw ang bill dahil naglabor pa ko eh iCS din naman ako eventually. Pinanghawakan ko ung verse na I can do all things through Christ who gives me strength and naniniwala ako na women are made to bear this kind of pain kaya sige kaya ko to. Nabasa ko dito na para mabilis lumabas si baby every hilab ire and from 8pm to 6am ganon lang ginagawa ko. So 10 hours yung battle ko and pag 6:48 lumabas na si baby. Tuwang tuwa ako nang marinig yung unang iyak nya. Sa totoo lang ako yung masasabi mong pasaway na buntis pero di kasi ako basta basta naniniwala sa sabi sabi. -Hanggang 9 mons nag momotor kami. Dinala ako sa hospital gamit ang motor -Palagi din ako nainom ng malamig madalas may yelo pa sa sobrang init -Naliligo din ako sa gabi minsan hating gabi o madaling araw na -Nakain din ako ng talong xD -Di rin ako palainom ng vits unless folic kasi need talaga natin yun -Napupuyat din ako palagi di dahil gusto ko pero nahihirapan ako matulog sa gabi -Nakabukaka din ako umupo kahit sabi ni la lalaki ung ulo. Di naman totoo. -Nung 37 weeks lang ako nagstart maglakad lakad.

61 Replies

Same tayo mamsh. 4'11 ako at si baby naman ay 3.6kg hahaha. Nung una sabi ni ob baka maCS na ako kasi di pa rin ako naglalabor due date ko na. Edi ininduce na ako. Grabe. Hirap ako nun umire kasi ang laki nga ni baby. Ilang beses pinasok ulit si baby sakin kasi di ako makaire ng ayos at pagod na ako. Kasi di pa ako nun kumakain dahil akala nila iCS ako. So ayon. Hinang hina ako pero nung last push ko as in talagang tinodo ko na. Hahaha. Lumabas si baby. Thank God. Congrats sayo mamsh! March pa naman ako nanganak hahaha pero feel ko parang kahapon lang :)

Yes yung push na parang wala ng bukas mailabas lang ng normal c baby hehe

Congrats mamsh! 😍😍 Sana ako din manganak na, duedate ko na sa June 19 pero no signs of labour padin ako. Nag wawalking at squat ako everyday pero wala pa din, pero nag ppray padin ako kay Lord na sana mairaos ko na si baby at manormal ko din sya. Super tapang mo mamsh! Kakayanin ko din to gaya ng nakaya mo 😍 Anyway mamsh same tayo pasaway, sa lahat ng binanggit mo sa baba ng story mo lahat ng yun nagawa ko din until now. Hahaha! Congrats ulit πŸ’•πŸŽ‰

Sige mamsh. Thankyouuu so much! πŸ’•

Tubig kc ang pagpanganak mo. Hindi pa sya mag aactive labor hanggat d pa mauubos ang tubig. Ganun ako sa first baby ko sabi cs ako pero ng nakakatanda ganun daw yun kapag tubig di masakit. Saka mo mararamdamn ang sakit ng likod mo parang natatae kana kapag ubos na tubig ag dugo na lumabas. Kaya ginawa ko para di refer sa ibang ospital sabi ko masakit tiyan ko paminsan minsan.

Congrats sis! haha paraehas tayo matigas ulo pero di ako umubra nung sinabi na sakin ni Ob na need ko na iCs kasi makakapoops na c baby sa loob.. lahat ng pain sa labor tiniis ko pero nung sinabing iCcs nako dun lng ako napaiyak.. stuck at 7cm ako tas distress na c baby kakaire ko, but now my new Ob recommend me to try VBAC sana maging ok na' hirap kc tlaga ma'Cs eh..

Congrats sis super cute ng baby mo πŸ’•...relate ako sa pagiging pasaway na buntis ..till now nag sosoda parin ako and fav. Ko talong ..aa cold water sbi ng ob ko okay lng naman dw yun ..need ko carb diet kasi medyo malaki na si baby sa tummy ko ...36weeks nako and onting kembot nlang lalabas nadin ai baby ..kindly pray for us 😍

VIP Member

Ang laki ni baby ganyan aq matigas ulo q din haha same height lng din tau takaw q pa tapos puro malamig ligo sa gabi gsto q din malaki c baby pero syempre kakabahan din tlga tau ngayon 37 weeks na din aq nglalakad lakad na din sana d lang din mahirapan at lumabas na c baby ng maausπŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» congrats 😊

Out of topic po mga mummy's Who wants to earn fast and easy money just clink this link below and register then you just need to watch paid video on youtube.. No payment No money or any bank accounts involve.. πŸ’―LEGIT‼️ https://rnivideon.space/797389310784638/

Hala. Parehong pareho tayo sobrang pasaway ko na kahit matatamis lagi ako nakain tsaka nainom ng malamig na tubig 7 months na ang tummy ko at malaki na sya. Lagi rin ako nakain ng pritong talong dahil paborito ko yun. Kaya natatakot rin akong mahirapan manganak.

Author here Magpachiropractor din kayo kasi yun yung problema ko d pantay pelvic bone ko bc of accident sa hagdan but not during pregnancy. Di ko sya napaayos at sinabihan n ko dati n mhihirapan ako manganak. Kaya pacheck nyo din sya

Congrats mumsh!! Ang cute and big ni baby haha currently on my 37th week and 5th day. FTM here haha relate ako sa pagiging pasaway! And yes push for normal basta pray hard lang πŸ’•

Trending na Tanong