βœ•

MY BLUE PLANE LANDED πŸ˜‡πŸ‘ΆπŸ»

EDD: June 25, 2020 DOB: June 19, 2020 TiME: 7:15AM LABOR HRS: 23hrs. GENDER: Male WEIGHT: 2.6kg Normal Delivery / 39 weeks and 4 days PS. mahaba po ito. Now it's my time to share my story here! Before taga basa lang din ako πŸ˜‡ Sobrang hirap at sakit pala talaga ng labor mga mamsh 🀣 yung tipong sasabihin mo di ka na uulit magbuntis HAHA pero pag labas naman ni baby OMG masasabi mong ang sarap mag anak 🀣 June 18, 2020 6AM. I felt little contractions pero di ko masyado pinansin , inisip ko baka naiihi lang ako kaya sumakit ng konti puson ko and nagsleep ulit ako. 9AM. When I woke up umihi ako, then may contractions parin akong nararamdaman, sabi ko baka false contractions lang sya kase di naman ganun kasakit and nawawala din sya. 11AM. Naglunch ako, medyo madalas na sya sumakit. Sabi ko parang iba na and kapag daw may dugo na sa panty ko sign of labor na daw yun. After ko kumain umihi ako and OMG may blood na sa panty ko. So sinabi ko yun sa tita ko and naligo na ako diretso. 1PM. Pagpunta namin ng lying in 2cm palang ako, di pa din naman kase sya ganun kasakit talaga. Ang sakit pala kapag unang IE sayo huhu. Then pag uwi namin tuloy tuloy na yung contractions ko , dumadalas na and medyo mas sumasakit na din. Sinubukan ko humiga at matulog pero I can't na kase pag sumasakit gustu ko tumayo. 9PM. Nagwoworry na sila sakin kase di na kako ako makakatulog kase mas sumasakit na sya and we decided to go to Hospital na kung san ako manganganak. Naghalf bath muna ako and pinack na namin mga gamit na dadalhin. 10:30PM. Pag dating namin sa Hospital pag IE sakin 4cm na ako which is pinayagan na ako ng OB ko iadmit and ayun nilagyan na ako ng swero. Tuloy tuloy contractions nya na halos ayoko na umupo kase mas masakit kaya nakatayo nalang ako naglalakad lakad sa loob ng room. June 19, 2020 4AM. Sobra masakit na sya, nagpa IE ulit ako at halos di na ako makahiga kase yung sakit di na mawala. Pag IE sakin 7cm na ako. Hanggang sa ayun kaoag sumasakit sya talagang kusa ko na sya naiiri sa sakit di ko na mapigilan. Yung sakit na masasabi mong ayaw mo na magbuntis ulit HAHA Nung una mga 2cm to 4cm palang ako nakakatawa tawa pa ako eh , pero nung nag 7cm na ako jusko di na halos maipinta yung muka ko sa sakit πŸ₯΄πŸ€£ 6:45AM. Pinatawag ko na ulit nurse kase di ko na talaga kaya parang gustu ko na umiri ng sobra. Pag IE sakin Yey !!! 10cm na ako. So dinala na ako sa delivery room. Pag dating ko dun iri na ako ng iri kaso ayaw pa lumabas and wala pa din OB ko hinihintay pa and di pa pumuputok panubigan ko. Kada sasakit sya iniiri ko talaga. Kaso ayaw nya parin lumabas hanggang sa dumating na si OB and pinutok na panubigan ko and iri ako ng iri hanggang sa tinulungan na nila ako ipush yung tyan ko at ibukaka ng bongga yung paa ko at ramdam ko na kada iiri ako ginugupitan ako . 7:15AM. MY BABY IS OUT πŸ˜‡πŸ‘ΆπŸ» napaiyak ako sa sobrang sarap ng feeling nung nakita at narinig ko iyak ni baby 😭 He is 2.6kg only pero nagupitan ako kase hindi daw ako marunung umiri πŸ˜… Sobrang thankful ko sa nagpaanak sakin kase pinilit nila mainormal ko kase alam nila hirap kapag na CS πŸ₯Ί Thankyou to our Mighty God na gumabay saamin ni baby in 9mos until now πŸ˜‡ Ngayun masusubukan ang isang pagiging tunay na ina πŸ˜‡πŸ˜… Maraming salamat sa apps na to at ang dami kong natutunan sobra ! Yung mga experience nila sa panganganak naging advantage ko para di matakot umanak πŸ˜‡

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles