hello sender! Alam ko masakit naranasan ko din yan. Everything is fine. all tests are normal pero paglabas ng baby hirap sya huminga after few days kinuha na din sya ni god. sobrang sakit araw araw din akong umiiyak. He's my first born. habang tumatagal na wala sya mas lalong sumasakit pero kailangan mo tatagan ang loob mo. nanjan pa yung dalawang anak mo para gabayan mo. after ng buhay natin dito sa lupa may chance na tayo maalagaan ang baby natin sa heaven. pero ngayon focus ka muna sa buhay natin dito. focus ka sa dalawa anak mo😊 and soon sana.... magkaron ka na po ulit ng blessing. may plano ang dyos para sa lahat. its been a year since my baby boy passed away but now I am 4weeks pregnant. i hope it went well and baby is healthy. godbless you sender we have an angel above watching us. cheer up!!!
Pray lang sis..masakit talaga..ganyan din nangyare s 3rd baby ko..5hrs lang din syang nbuhay..sobrang sakit talaga kc 9 months mong dala dala s sinapupunan mo bglang mawawala lang..pra ngang mababaliw din ako nun pag nkakarinig aq ng mga iyak s ward kc naiinggit ako bkt baby nila buhay bkit skin kinuha agad..ang tagal ko rin bago ako nak move on..inisip ko nung time na pinapanganak ko sya kaya pla hndi ako pinahirapan ng anghel ko kc mawawala din pla sya.masakit sis pero dapat mong kayanin..dumating nga ako sa point nakwestyon ko ung diyos marame nmn masamang tao jan bkit anak kopa.pero d kc nten hawak ung buhay nya..kya puro pray lang. Dapat 10 yrs old na ung baby ko pero masaya ako kc meron nkong angel n nagbabantay sakin alam ko un..condolence sau...
Thanks you po inuulit ulit ko po ung msg nyo. Ganyang ganyan po ako until now, yan nsa utak ko. Sbi nila god has a purpose/plan sabi ko bat hndi ksama si jayden sa plano, mas ok kung kasama sya . Hiniling ko sya pero bat binawi agad. Gnun ba ko kasamang tao until may ngsabi skin na. Kahit gaano ako kasmang tao hndi gagawin pangtubos o pang byad ng dyos ang baby. :( Ang sama sama ko na gnun na ko magisip pero ksi ng po masakit alam ko po mattnggap ko din pero hanggng kelan kaya :( Sabi ko nga baka ang anak ko nhhrapan magkawings ksi ang bad ko :(
I also lost our baby girl this january. 22 weeks pregnant ako that time, nafefeel ko yung pain habang binabasa ko post mo sis. 1st baby sana namin yun unlike you i immediately ask my husband to uninstall this app kasi lagi may nagnonotify sakin about kay baby and sobrang sakit. Araw araw dn ako umiiyak, kahit kumakaen ako pag naaalala ko sya bigla nalang ako maiiyak. I just stop crying kasi ayaw ko maging unfair sa asawa ko kasi may anxiety disorder sya, we're also seeing a doctor and under medication din sya until now. But now im happy na after around 6months, 7 weeks pregnant na ulit ako kaya ininstall ko na ulit app na to. Alam ko dina ko dapat masad kasi may better plan si God, keepgoing and godbless your fam. 🤗
I always try na iun install to mamsh. Pero ewan ko parang may pumipigil skin :( Ung gc ko ngleave ako ksi mas maskit un ksi araw arw sila my post ng baby nla sobrang naiinggit po aq :( Ung things ni jayden until now nsa kwarto nya ung dpat baby room gnwa nming kwarto nmin :( Miss ko na sya sobra :(
hi momshie, parehas tayo lumabas baby ko no heart beat na cord oil din.. last May 9,2020 lang 😔 my 1st baby girl na ko 10yrs old tapos 2nd pregnancy ko miscarriage ako then last yr nabuntis ako ..kaso lumabas baby ko 7months plang tapos wala na sya heart beat .. sobrang sakit .. pero kailangan natn tanggapin kahit sobra hirap pero kailangan dahil my anak pa tayo .. My Plan c God trust him .. mahirap pero kakayanin 💪💪 Be strong .. Kaya naten to ..
Oo maamsh tinatatak ko talga sa kokote ko yan, spero ewan ko ba. Di ko pddn tlga matnggap. Nung una gusto ko magkakbaby ulit. Now parang ayaw ko na. Nttkot nako gusto ko ngayon magabroad umalis hanggang makalimot :(
.. ang sakit sa pusO habang binabasa kO tO., sOrry fOr yOur LOst mOmmy🙏., i pray tO gOd na bigyan ka nya ng Lakas ng LOob na makayanan mO ang pinagdaanan mOng sakit., ibuhOs mO nLang Lahat ng atensyOn at pgmamahaL mO sa daLawa mO pa., minsan mapapatanOng ka taLaga na bakit gnun?.. ibinigay kukunin din pLa agad.. but stiLL OnLy gOd knOws the reasOn., minsan my mga bagay na gustO satin ipareaLize ni gOd.,be strOng mOmmy para sa daLawa mO pang anak..
Condolence po mommy. Walng salita ang mkkpgpapayapa sa puso at icp mo mommy. Hbng binabasa ko post mo po naiiyak ako. Nakikisimpatya po ako sa pnagdadaanan mo. Lahat ng pagsubok na bnbgay sa atin, may dahilan. Pakatatag ka lang po pra sa iba mo pang mga anak. Umiyak ka lng mommy, kung yan makakapagpagaan sa narramdaman mong pagluluksa. Hangad ko po na pagdting ng panahon magng malakas ka na at mas lalo pang tumibay ang pag-asa mo. 🙏
Parang may wall ako na di dpat aq nsaya :(
I pray that our Lord give you comfort and He takes your pain away. It's very hard to move on talaga sis lalo na from a loss. I've miscarried twice na but I know naman na mas mahirap ang dinadala mong pain. Please don't forget that you are dearly loved by your family and friends. Sending you hugs and blessings from my heart sis, and our condolences for your loss.
Condolence mommy 😥 yung co worker ko namatayan din ng baby gulat nlng kme sa balita nyang na admit daw sya at walang heartbeat baby niya. Gusto kong umiyak natatakot ako na ganun din mangyari sa akin pero wag naman sana dahil kahit d pa lumalabas si baby e love na love ko na to 😭 praying for ur little angel in heaven mommy ❤️
Thank u ❤️
Condolences mommy 😭😭 Sobrang sakit mawalan ng anak 💔 I gave birth to my first born last May 22, 2020 but got his wings after 3 days 💔 Sobrang sakit, parang namatay ka na rin. Naiinggit ako sa mga nanay na karga nila yung baby nila, na sana ako rin 😭 I will pray for you and your little angel 👼
Same tayo 22 mamsh :( may ka june ako :( Prayers para sa angels nten sana ngmeet sila dun maash :( 😭😭
walang kapantay ang sakit sa isang inang nawalan ng anak. ipagdasal mo mommy ag sakit tanging si lord lg ang makakapawi. pinahiram lg saatin ng dyos ang mga anak natin kaya sya lg ang may authority na kumuha. God bless u momsh kaya mo yan may 2 anak ka pa. be strong and always pray.🙏
Salamt mamsh will do po for my healing :(
Reham Tejero