#TEAMJULY

EDD : JULY 28, 2020 DOB : JULY 17, 2020 3.3kg Delivery Via Normal Delivery Share ko lang experience ko. FTM here Gudluck po sa inyo kaya niyo po yan. JULY 16, morning ok pa ako. Kinakausap ko si baby sa tiyan na lumabas na kasi medyo mahirap nang gumalaw at panay pa ang banyo grabe yong hingal ko. Buong mag hapon same sitwasyon kinakausap ko. Pag dating ng gabi after naming kumain ng dinner naihi ako kaya nag banyo ako. Pero after nun bawat galaw ko feeling ko may lumalabas na tubig galing sa pwerta ko. Pero kakatapos ko palang umihi. Tsaka no sign of labor ako. Then nag tuloy tuloy un. 8:45pm nag decide na kami na pumunta ng lying in para macheck up na. 8:55pm na check up na ako at na IE na din 5cm palang pero pumutok na daw panubigan ko kaya sunod2x ung sakit ng tiyan ko. Inadmit na ako at inobserbahan. 9:15pm nakahiga na ako at nilagyan ng dextrose. Grabeh ung hilab niya sobrang sakit yong tipong d mo na alam ang gagawin mo. Almost 2 hours akong ganun. Mga 12:15am sabi ko sa midwife kung pwede bang mag banyo kasi natatae ako pero d ko alam un na pala ung sign na mag lalabor na. Kaya nag handa na cla at dinala na ako sa DR. Sobra akong nahirapan sa delivery kc biglang lumihis c baby sabi ng OB ko. Pero kinaya kong ilabas para sa safe kami parehas at d na din ako ma CS. kasi sabi ng OB ko pag d ko pa mailabas c baby sa huling ire ko eh rerefer na ako sa hospital kaya nag naman binigay ko na lahat at ayon na nga lumabas c baby ng 1:06AM sobrang sarap sa pakiramdam na makita at marinig mo ang unang iyak niya. Worth it lahat ng sakit. Kaya sa mga FTM jan. Lakasan niyo loob niyo po. Pray lang at wag matakot.

#TEAMJULY
45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Un dn mahirap pag nanganak sa lying in kc pag d kaya irrefer ka.napaka delikado buti nakaya mo mommy congrats,ang sarap magbasa ng mga xperience😅

5y ago

Kaya nga po ehhh. Pero pinilit ko talaga..

Congrats po mamy . Same lng po tayo ng edd pero wala pah din sign false contractions lng ☹️

5y ago

Kausapin niyo lang po c baby.. Pag gusto na.niyang lumabas. Mag kukusa yan..

Wow congrats momsh same edd tau but no sign of labor pa rin ako sa ngayon

5y ago

😯gawin ku rin po yan.. 😊😊

Super Mum

Galing mommy, nairaos ang normal delivery 🙂 congratulations po 🙂❤️

5y ago

Kailangan mommy ehh. 😊😊Auko din kasing ma CS kaya kinaya ko.

Congrats mommy! Lahat talaga kakayanin ng isang ina para sa anak niya 😀

5y ago

Ou naman po. Whatever i takes maging ok lang c baby. 😊😊😊😊

FTM here. Gave birth on my due date, July 14, 2020 ❤️

ano po ang ftm moms?😅 ilang weeks mo syang inilabas moms..

5y ago

38 weeks and 3 days po.

VIP Member

Sana all team july mkaraos na congrats mami🥰

Congrats momsh!!! sana makaraos na din ako. :)

Super Mum

Congrats mommy! Happy parenting 🥰🥰🥰